Siya Na Pala Ang Napaka Gandang Bagong Non-Showbiz Girlfriend Ni Robi Domingo

Mahirap magkaroon ng relasyon ngayon sa ating henerasyon. Hindi natin alam kung gaano tatagal ang ating relasyon lalo na sa panahon ngayon na binabase na sa social media ang isang relasyon. Mahirap magpanatili ng relasyon lalo na kapag ikaw ay isang artista dahil napakaraming tukso na maaaring pumalibot sa iyo. Marami ring kontrobersiya ng posibleng bumalot sa iyo at sa mga isyung maaari mong kasangkutan. Isa rin sa mga pananaw ng mga tao tungkol sa relasyon ng mga artista ay ang ideyang hindi ito magtatagal.

Photo Credit: Robi Domingo/Google




Isa rin siguro sa mga dahilan kung bakit minsan ay mas pinipili nilang magkaroon ng kasintahang non-showbiz o hindi kaya’y hindi isapubliko ang kanilang relasyon upang makaiwas sa mga sasabihin ng tao. Hindi naman masama ito dahil minsan kailangan mong isipin ang kapakanan ng inyong relasyon. Hindi mo rin kailangang isapubliko ang lahat ng nangyayari sa inyong buhay.

Photo Credit: Robi Domingo/Google

Katulad na lamang ng PBB Host na si Robi Domingo. Lingid sa kaalaman ng publiko at sa mata ng madla, kasintahan ngayon ni Robi ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda. Nitong nakaraan lamang ay nagbahagi si Robi ng mga litrato kasama ang kanyang girlfriend nang sila ay magbakasyon sa New York sa Amerika. Si Maiqui ang nagsilbing tour guide ni Robi sa Amerika dahil tumira na dito ang kanyang girlfriend ng ilang buwan.

Photo Credit: Robi Domingo/Google

Maraming mga lugar ang pinasyalan ng magkasintahan at mukhang nag-enjoy talaga ang dalawa. Agosto ng 2018 nang aminin ni Robi na mayroon siyang kasintahan. Marso naman ng taong 2017 nang anunsyo ni Robi ang hiwalayan ng kanyang dating girlfriend na si Gretchen Ho.

Nakakatuwa lang na sa kabila ng kanilang pananahimik sa publiko na tungkol sa kanilang relasyon, mukhang matatag pa rin ang kanilang relasyon. Bagamat busy sa kaniyang schedule, hindi pa rin nakakalimutan ni Robi na bigyan ng oras ang kanyang girlfriend na isa sa mga pinaka-importanteng kasangkapan tungo sa isang matatag na relasyon.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *