Kilalanin Ang Napaka Gwapong First Born Ni Aubrey Miles Na Matagal Niyang Itinago Sa Publiko

Batid natin na ang buhay ng isang celebrity ay hindi madali, dahil halos lahat ng mga mata ng publiko ay nakamasid sa mga ito, na maging sa kanilang mga personal na buhay ay nanghihimasok na rin ng media.




Kung kaya naman upang magkaroon pa rin ng pagka pribado ang kanilang mga buhay, may ilang mga celebrity ang manatiling tahimik at hindi madalas pagbabahagi sa social media ng mga tungkol sa kanilang personal na buhay.

Photo Credit: maurieobligacion/Instagram

Kagaya na nga lamang nito ang ginawa noon ng celebrity na si Aubrey Miles, na matapos ang ilang taong pamamayagpag ng kanyang karera bilang isang aktres ay pansamantala itong nawala sa mata ng publiko na wala namang nakabatid kung ano ang tunay na dahilan.

Photo Credit: maurieobligacion/Instagram

At ang hindi nga alam ng marami kaya pala noon ay bihira ng lumabas sa telebisyon si Aubrey Miles ay dahil sa isinilang nito ang kanyang first born child na si John Maurie Obligacion.

Photo Credit: maurieobligacion/Instagram

Halos 7-taon ngang itinago ng aktres ang pagkakaroon niya ng anak sa dating partner niyang si JP Obligacion. At ayon nga kay Aubrey, ginawa niyang itago ang anak dahil sa ayaw niyang masira ang kanyang career, at upang magkaroon pa siya ng second chance sa showbiz.

Photo Credit: maurieobligacion/Instagram

Paliwanag pa ng aktres, ang pagtatago niya sa kanyang anak na si Joh Marie sa publiko ay para rin sa kanilang future mag-ina.

Photo Credit: maurieobligacion/Instagram

Samantala, matatandaan naman na inamin ni Aubrey ang tungkol sa kanyang unang naging anak, ng nakapanayam ito sa isang guesting. At doon na nga buong-buo ibinahagi at ikinuwento ng aktres ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak at kung bakit ito ay kanyang itinago sa lahat.

Photo Credit: maurieobligacion/Instagram

“I had to do it na ayoko mag-alaga lang ng anak. I had to do something for my life na kailangan kong pagtrabahuan. Ayokong humingi sa nanay ko”, ang pagbabahagi ni Aubrey sa naging panayam sa kanya.

Photo Credit: maurieobligacion/Instagram

Humingi rin ng tawad si Aubrey sa publiko dahil sa ginawa niyang pag-deny noon sa mga tao tungkol nga sa mga naging limitasyon ng pagkakaroon na nga niya umano ng anak. At marami ang nakaintindi sa aktres dahil hindi naman umano ito obligado na sa publiko ang buong buhay nito, dahil lahat naman ng tao ay may personal na buhay rin na kinakailangan maging pribado.

Photo Credit: maurieobligacion/Instagram




Sa ngayon ay masaya ang buhay ni Aubrey Miles sa piling ng kanyang nobyong si Troy Montero, kung saan sila ring mag kasintahan ay mayroon ng dalawang anak at ito nga ay sina Hunter Cody at ang bunsong babae na si baby Rocket Miller.

Itinuturing rin ni Troy na parang sariling anak si John, dahil bago pa man ito nakipagrelasyon sa aktres ay tanggap na nito ang nakaraan ni Aubrey. Ang anak nga ni Aubrey na si John, ay nagnanais na ring sumunod sa yapak ng kanyang ina dahil nais na rin nito na pasukin ang mundo ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *