Kilalanin Ang NapakaGanda At Isang Industrial Engineer Na Kapatid Ni Niňo Muhlach

Si Angelo Jose Rocha – Muhlach o mas kilala sa industriya ng showbiz bilang ang 47-taong gulang na comedian actor na si Niňo Muhlach ay isa sa mga naging pinaka-popular at sikat na childstar noon ng kanyang henerasyon.




Ang kanyang mga magulang ay kinilala bilang sina Mr. Alexander Muhlach at Mrs. Rebecca Muhlach. Mayroon namang anak na lalaki si Niňo, at ito nga ay ang sikat na child star ngayon na si Alonzo Muhlach, na tila namana nga sa kanya ang pagiging bibo, kaya naman talagang naging ‘Mine Me’ version niya ito

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Maituturing nga na ang ang mga Muhlach ay isa sa mga maituturing na may mga magagandang lahi at ang angking karisma, dahil tulad ni Niňo ay isa rin sa kanyang pinsan sa showbiz ang isa sa mga naging heartthrob noon at ito nga ay walang iba kundi ang pinaka gwapong aktor na si Aga Muhlach.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Samantala, marami sa atin ang hindi nakababatid na mayroon ring kapatid na babae si Niňo Muhlach ang pang-artista ang taglay na ganda, at ito nga ay ang kanyang nakababatang kapatid na si Angela Muhlach.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Kamakailan nga lamang ay naging agaw-pansin sa social media si Angela Muhlach, ito nga ay dahil sa maraming mga netizens ang napahanga niya sa kanyang mala-artistang ganda.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Sa kabila naman ng ‘artistahin looks’ ni Angela, ay hindi naman ito nagkaroon ng plano na pasukin ang mundo ng showbiz na kinabibilangan ng kanyang Kuya. Ito ay dahil sa mas nais ng dalaga na bigyang prayoridad ang kanyang pag-aaral.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Mas nais nga ni Angela, ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral at matupad ang pangarap niyang propesyon sa kanyang buhay.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Matagumpay namang natupad ng nakababatang kapatid ni Niňo Muhlach ang pangarap nito, dahil sa ito nga’y nakapagtapos na ng kursong Industrial Engineering sa De La Salle University, kung saan ay nakatanggap rin siya ng parangal sa kanyang naging pagtatapos.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Ayon nga sa naging pagbabahagi ni Angela sa kanyang social media account, sa kanilang angkan ay siya ang kauna-unahang nakapagtapos ng kursong inhinyero, at ang mas nakaka-proud pa dun ay nakapagtapos siya ng may parangal na natamo.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Sa edad nga ni Angela Muhlach na 24-taong gulang ay tila nagawa na nito ang lahat ng bagay na nasa kanyang ‘bucket list.’ Dahil maliban sa napakaraming oras niya ang inilalaan sa kanyang pamilya, ay nakapasyal na rin ang naturang dalaga sa ilang mga bansa na magagandang pasyalan.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Ilan nga sa mga bansang napuntahan at pasyalan na ni Angela ay ang bansang London, Spain, Paris, Holland, Rome at Netherlands. Taong 2014 naman ng magtungo ang dalaga sa bansang Europe, kung saan ay namasyal sila sa ilang magagandang lugar na maipagmamalaki ng naturang bansa.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Isa pa nga sa mga bucket list na kanyang nagawa ay ang subukan ang pag-skydiving. Kung saan, ito ay kanyang nagawa noong taong 2015, ng siya ay bumisita sa bansang Amerika.

Matatandaan pa nga na noon ay ibinahagi ni Angela sa kanyang social media account ang kanyang mga larawan na kinunan ng subukan niyang gawin ang skydiving. At ito ay tinakpan niya ng caption na;

“Ocean City Skydiving Center at 21. I’ve reached 10,000 ft. in the air and had the most amazing seconds of my life! Officially a skydiver. #ultimatebucketlist” Ibinahagi rin ni Angela na natunghayan na niya ang pinapangarap ng marami na ‘dropping of balls ceremony’ sa New York Time Square noong New Years Eve taong 2017.

Madalas namang nagfa-father-daughter date si Angela at ang kanyang amang si Alexander Muhlach, ito ay dahil sa talagang noon pa man ay daddy’s girl na siya. Marami naman sa mga humanga sa angking ganda ni Angela Muhlach ang nagsasabi na nais nilang makita sa telebisyon ang dalaga.




May iba pa nga na nagsasabi na bagay na bagay ang nakababatang kapatid ni Niňo Muhlach na ma-itambal sa mga nag-gagwapuhang aktor ngayon, dahil sa taglay nga nitong ganda. Ano ang masasabi niyo sa agaw-pansing kagandahan ng nakababatang kapatid ni Niňo Muhlach, na si Angela Muhlach?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *