Kilalanin Ang Napakaganda At Mala Artistang Anak Ng Dating Boksingerong Si Onyok Velasco

Kabilang si Onyok Velasco sa mga hinahangaang boksingero noon, lalo pa’t napakarami ang bumilib sa taglay niyang kakayahan at lakas ng kamao na nagpatumba sa kanyang mga nakalaban sa loob ng ring.




Matatandaan pa nga na noong taong 1994 ay nagkamit ng gold medal si Onyok, at ito ay sa naging pakikipagtunggali niya sa ring sa Asian Games at noong 1996 naman sa Summer Olympics ay nagkamit siya ng silver medal.

Photo Credit: ryvlsco/Instagram

Matapos ang ilang taon na pamamayagpag ng kanyang karera sa boksing, hindi nagtagal ay pinasok niya rin ang pagiging isang komedyante sa industriya ng showbiz.

Photo Credit: ryvlsco/Instagram

Maliban sa pagiging isang mahusay na komedyante at boksingero, ay hahangaan rin ang pagiging isang mabuti at responsableng ama ni Onyok sa kanyang apat na anak sa asawa niyang si May Balisi – Velasco.

Photo Credit: ryvlsco/Instagram

At sa kanyang ngang mga anak, ay isa ang agaw-pansin ngayon sa social media at ito nga ay walang iba kundi si Angel ‘Ry’ Velasco na nagtataglay ng mala-artistang ganda at kilala rin bilang isang aspiring make up guru. Ang kanyang kakayahan sa pagme-make up ay madalas ngang ibinabahagi ni Ry sa kanyang YouTube channel.

Photo Credit: ryvlsco/Instagram

Base naman sa naging ulat ng Showbiz Reader, nag-aaral sa De La Salle College of Saint Benilde si Ry, kung saan siya ay kumukuha ng kursong Export Management.

Photo Credit: ryvlsco/Instagram

Taong 2016 ng unang masilayan ang magandang anak ni Onyok Velasco sa telebisyon, at ito nga ay ng minsang maging panauhin silang mag-ama sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay”, kung saan ng makita nga si Ry ng mga host ng naturang programa na sina Momshie Karla, Jolina at Melai ay maihahalintulad ng mga ito ang taglay na kagandahan ng dalaga sa aktres na si Kathryn Bernardo.

Photo Credit: ryvlsco/Instagram

Sa nasabing panayam din ay naibahagi ni Ry kung gaano ka-supportive ang kanyang amang si Onyok sa kanila. Ito rin umano ang madalas na nagbibigay payo sa kanilang magkakapatid na gaano man kahirap ang mga pagsubok sa buhay ay hindi kailanman dapat sumuko.

“Siya ‘yung parating nagmo-motivate sa’min. Alam mo yung tipong kahit small, like… sumasali kasi kami sa mga competitions, kami mga siblings. Tapos kahit small competition, big competition, parati siyang nandiyan para sumuporta”, ani Ry.




Hindi naman napigilan ngmga netizens na hangaan ang angking kagandahan ng anak na dalaga na ito ni Onyok Velasco. At ang iba nga sa kanila ay sinabi na sa taglay na ganda ni Ry ay maaari itong pumasok sa showbiz upang maging isang aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *