Kilalanin Ang Napakaganda At NapakaCute Na Girlfriend Ng Sikat Na YouTuber Na Si Ranz Kyle

Isa ba kayo sa mga followers ni Ranz Kyles? Na inaabangan ang bawat pag labas niya sa kanyang Youtube Channel?



Si Ranz Kyle ay kilala at popular ngayon na influential social media personality. Siya ay mas kilala sa YouTube, kung saan ay madalas niyang ipinapakita ang kanyang husay at angking talento sa pagsasayaw.
Photo Credit: ranzkyle/Instagram
Kilala rin si Ranz, sa dance duo nila ng kanyang step-sister na si Niana na “Ranz and Niana.”
Hinahangaan nga naman talaga ng marami ngayon si Ranz Kyle, dahil talaga namang kinagigiliwan ng sino ang manonood dito ang kanyang husay at talento sa pagsasayaw.
Photo Credit: ranzkyle/Instagram
Matatandaan na naging miyembro noon ng miyembro ng now-defunct all boys-group si Ranz, kung saan taong 2000 ay pumasok rin siya sa showbiz at naging isang actor.
Photo Credit: milissagrande/Instagram
Hindi nga naman maikakaila na maliban sa husay sa pagsasayaw ay talaga namang may angking kagwapuhan rin si Ranz Kyle, kaya naman hindi na magiging kataka-taka na maraming mga kababaihan ang talaga namang siya’y nagugustuhan.
Photo Credit: milissagrande/Instagram
Samantala, kamakailan lamang ay isang dalaga ang umagaw sa pansin sa mga tagahanga ni Ranz, kung saan ay natanong ng marami kung ang dalaga bang ito, ay ang girlfriend ng binata.
Photo Credit: milissagrande/Instagram
Nitong nakaraan nga lamang ay may isang dalaga na naging usap-usapan dahil sa ginawa nitong pag-greet sa birthday vlog ni Ranz. Dito na nga nagsimulang magtanong ang mga followers ni Ranz, kung ang dalaga bang ito ay ang bagong girlfriend na ng binata, ito ay dahil makikita sa video ang naging pagkagulat ni Ranz sa naging greetings nito, kung saan ay tinukso pa siya ng kanyang mga kapamilya sa naturang dalaga.
Photo Credit: milissagrande/Instagram
Napag-alaman naman na ang dalagang ito ay kilala bilang si Milissa Grande, isang Filipina commercial model, beauty queen at singer na tubong Tarlac. Ngunit lumaki at ngayon ay naninirahan na sa Canada matapos mag migrate sa Canada ng kanyang pamilya noong siya ay bata pa.
Photo Credit: milissagrande/Instagram
Base sa mga naging ulat ay representante ng Canada sa isa isang international pageant noon si Melissa, kung saan ay hindi naman magiging kataka-taka, dahil talaga namang may angking ganda na pang beauty queen ang naturang dalaga.
Dahil sa nais naman ng dalaga na subukan ang ibang oportunidad dito sa ating bansa, pansamantala muna nitong itinigil ang kanyang pagiging isang modelo.



Matapos naman maging usap-usapan ang naging video greetings ni Melissa kay Ranz, ay marami nga sa mga tagahanga at pagsuporta ni Ranz ang talaga namang pinakita na rin ang kanilang suporta para sa loveteam ng dalawa.
Ayon pa rin sa ibang ulat, mas pinili umano ng dalawa na gawing pribado ang kanilang relasyon sa publiko, ito ay upang makaiwas na rin sa ilang mga issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *