Kilalanin Ang Napakaganda At Pinaka Seksing Anak Ni Anjo Yllana

Hindi biro maging isang magulang. Pero mas mahirap maging isang magulang na kumakayod para sa mga anak. Ang karaniwan kasing gawain ng mga ama ng tahanan ay ang magbigay ng pangangailangan ng kanilang pamilya habang ang ina naman ang siyang taga pag-alaga ng mga anak nilang mag-asawa. Doble naman ang pagsubok na kailangan harapin ng mga magulang na pulitiko at artista. Alam naman nating hindi madali ang trabaho ng isang pulitiko o ng isang artista dahil kinakailangan nito ng halos lahat ng iyong oras dahilan upang mawalan ka ng oras para sa iyong pamilya.




Ito ang sitwasyong ginagampanan ng komedyanteng host na si Anjo Yllana. Maliban kasi sa pagiging komedyante, host at pulitika, isa ring ama si Anjo sa kaniyang apat na anak mula sa kanyang asawang si Jacqui Manzano na kapwa artista rin noong araw. Ang kanilang mga anak ay sina Mikaela, Andee, Jaime, at Nathan.

Si Anjo ay panganay sa apat na magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay mga kapwa artista rin na sina Jomari, Ryan, at Paulie. Bagama’t 51 taong gulang na, hindi pa rin maipagkakaila ang lakas sa pagseserbisyo ni Anjo sa telebisyon man o sa publiko.
Pero sa likod ng kanyang nakakatawang mga biro, may napakaganda palang anak si Anjo.

Ang kanyang panganay na anak na si Mikaela ay isang 20-anyos na dalaga. Nitong nakaraang 2016 lamang ay nagdiwang siya ng kanyang ika-18 na kaarawan. At dahil nga masipag si Anjo, enggrande ang naganap na okasyon na ginanap sa Blue Leaf Cosmopolitan. Nagniningning si Mikaela sa kanyang suot na pulang gown na may off-shoulder na disenyo.

Kapansin-pansin rin ang angking karisma ng dalaga na kung iisipin ay maaaring lumabas sa telebisyon. Sa kasalukuyan ay wala pang sinasabi si Anjo kung papayag ba siyang pumasok sa showbiz ang kanyang panganay. Hindi pa rin naman nagpapakita ng interes ang dalaga kung balak niyang pumasok sa showbiz. Kung sakali man, tiyak na sigurado na ang kasikatan nito.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *