Kilalanin Ang Napakaganda At Talentadong Anak Ng Batikang Aktor Na si Jeric Raval At Ng Dating Aktres Na Si Monica Herrera

Ayon sa ulat ng Inquirer Bandera, inamin ng 42 anyos na batikang aktor na si Jeric Raval sa isang press conference para sa kanyang pelikulang Double Barrel na balak sumunod ng kanyang bunsong anak sa kanyang yapak sa showbiz. Sinabi niya rin na kung minsan pay napagkakamalan sila ng kaniyang anak na babae na magkasintahan.




Kanina nga, akala girlfriend ko o asawa ko si Janina Carly Buensuceso bunso namin ni Monica. Sabi ko, anak ko yan. Ma-loko ako nung araw, di ba, away-bati ng mga girlfriends Nag-aartista na rin siya Janina contract star na siya ng Viva, pag-amin ng aktor.
Si Janina Carly Buensuceso ang bunsong anak ng batikang aktor na si Jeric Raval at isa rin itong certified contract star ng Viva Artist Agency.

Lingid sa kaalaman ng lahat, matatandaang inamin na ni Jeric Raval sa isang press con para sa kanyang pelikulang Double Battle Sige Iputok Mo kasama sina AJ Muhlach at Phoebe Walker na mayroon na siyang walong anak kung saan ang tatlo doon ay anak niya mula sa dating aktres na si Monica Herrera at ang limay sa kanyang kasalukuyang kinakasama ng asawa.

 

Yung tatlo, sa iba (kay Monica), at matagal na kaming wala nun. Pumasok ako sa showbiz, may asawa na ako, pero at that time, wala pa kaming anak, at naka-apat kami at ang bunso namin eight years old, pero humabol lang yun, paliwanag ni Jeric.

Kamakailan lamang ay lumabas ang Kapamilya actor sa palabas ng ABS-CBN na The Good Soon at Ang Probinsyano. Maliban sa kanyang taglay na kagandahan, marunong ding gumamit ng mga instrumento ang dalaga at may talento rin ito sa pagkanta na tila namana niya sa kanyang nanay na dating aktres na si Monica Herrera.

Kaya naman hindi katakataka kung isang araw ay sumikat ang dalagang ito dahil naman niya ang karisma ng kanyang ama at ang talento ng kanyang ina.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *