Kilalanin Ang Napakaganda Inhenyerong Kapatid Ni Niño Muhlach

Si Angelo Jose Rocha-Muhlach o mas kilala ng publiko bilang si Niño Muhlach ay isang 47-taong gulang na aktor, komedyante at dati rin siyang sikat na bulilit actor.




Siya ay may anak na naging “Mine Me” version niya, at ito ay walang iba kundi ang napaka cute at napakabibong si Alonzo Muhlach na kinakaaliwan ng marami nitong tagahanga.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Pinsan din ni Niño ang isa sa mga sikat at gwapong leading man noon na si Aga Mulach. Ang kanyang mga magulang ay nagngangalang Alexander Mulach at Rebecca Rocha.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Kung si Niño Muhlach ay kilala noon bilang “Child Wonder of the Philippines”, ang isa sa kanyang mga kapatid naman na babae ngayon ay usap-usapan sa social media dahil sa taglay nitong ganda.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Si Angela Muhlach, ay ang nakababatang kapatid ni Niño. Marami sa mga netizens ang humahanga sa dalaga dahil sa angking gandang taglay nito na nasa dugo narin ata talaga ng mga Muhlach ang pagiging gwapo at magaganda.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng mala-artistang ganda, mas prioridad ng dalaga ang matapos ang kanyang pag-aaral at matupad ang propesyon na kanyang pangarap.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Sa De La Salle University nagtapos ng kanyang kursong Industrial Engineering si Angela, at isa rin siya sa mga nagtamo ng karangalan. Ayon pa nga sa Social Media account ng dalaga, sa kanilang angkan ay siya ang kauna-unahang nakapagtapos sa kursong inhinyero at nakakuha pa ng karangalan.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Sa edad na 24 ni Angela ay nagawa na niya halos lahat ng nasa kanyang bucket list, at maliban sa pagkakaroon niya ng maraming oras kasama ang kanyang pamilya ay ilang bansa na rin ang napuntahan at na pasyalan ng dalaga. Taong 2014 ng ilang bansa sa Europa ang pasyalan ng dalaga, at ilan sa mga ito ay London, Spain, Paris, Holland, Rome at sa Netherlands.

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Taong 2015 naman ng bumisita si Angela sa United States of America at sinubukan niya ang skydiving. Nang ibahagi niya ito sa kanyang social media account ay binigyan niya ng caption na “Ocean City Skydiving Center at 21. I’ve reached 10,000 ft. in the air and had the most amazing seconds of my life! Officially a skydiver. #ultimatebucketlist

Photo Credit: angelamuhlach/Instagram

Naranasan din ng dalaga na nag celebrate ng New Year’s Eve sa bansang New York noong taong 2017, kung saan ay natunghayan niya ang dropping of balls ceremony sa New York City Time Square.




Dahil sa “Daddy’s girl” rin ang dalaga, ang kanyang ama na si Alexander Muhlach ang itinuturing niyang kanyang Prince Charming kaya naman madalas na kasama niya ang kanyang ama at minsan pa nga ay nag father-daughter date sila.

Marami naman sa mga netizens ang nais na masilayan si Angela sa telebisyon, at ang iba pa nga ay nagsasabi na bagay sa dalaga ang maging katambal ng isa sa mga gwapong leadingman sa showbiz ngayon…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *