Kilalanin Ang Napakagandang Anak Ng Komedyanteng Si Ogie Diaz

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilala sa industriya ng showbiz, ito ay hindi lamang dahil sa isa siyang komedyante, kundi dahil isa rin siya sa mga talent manager ng mga kilalang malalaking bituin sa industriya.



Batid natin, at aminado rin si Ogie na isa siyang bakla, ngunit magkaiba man ay mayroon siyang asawa, kung saan ay ilang taon na rin silang masayang pagsasama at mayroon na rin silang limang mga anak.
Photo Credit: ogie_diaz/Instagram
Si Georgette Del Rosario, ang asawa ni Ogie, na siya ring ina ng limang anak ng komedyante.
Photo Credit: ogie_diaz/Instagram
Ngunit alam niyo ba na sa limang mga anak ni Ogie, ay isa na sa mga ito ang dalaga na, na kung saan ay naging usap-usapan ngayon sa social media matapos nitong maglabas ng sarili nitong Youtube channel.
Photo Credit: ogie_diaz/Instagram
Ang anak ngang ito ni Ogie ay ang panganay sa limang magkakapatid, at ito ay si Erin.
Isa nga sa mga most watched vlog sa Youtube channel ng dalaga, ay ang ginawa nitong prank sa kanyang ama. Ang prank na ito ni Erin, ay ng sabihin niya sa ama niyang si Ogie na siya ay nabuntis ng di umano’y kanyang nobyo.
Photo Credit: ogie_diaz/Instagram
Hindi nga maipaliwanag ang naging reaksyon ni Ogie, sa naging prank sa kanyang anak. Makikita sa video, na sa reaksyon ni Ogie ay naroon pa rin ang pagmamahal at pagkalinga ng isang ama.
Photo Credit: ogie_diaz/Instagram
Una ngang nasilayan ng publiko ang panganay na anak ni Ogie na si Erin, ng ito ay mag-celebrate ng kanyang ika-18 kaarawan kung saan ay isang napakagandang debut party ang pinaghandaan ng kanyang ama para sa kanya. Marami ring mga kilalang artista na kaibigan ni Ogie ang dumalo sa nasabing pagdiriwang, at ilan na nga sa mga ito ay sina Vice Ganda at Liza Soberano.
Photo Credit: ogie_diaz/Instagram



Matatandaan rin , na noong Oktubre ng nakaraang taon, ay nakapanayam ang mag-amang Ogie at Erin ng ating mga momshie host sa Magandang Buhay. Ayon nga kay Ogie, ang kanyang anak na si Erin ay isang responsableng anak.
Marami naman sa mga netizens ang nakapansin ng angking gandang taglay ni Erin, at ayon nga sa mga ito ay hindi magiging imposible na ang anak na ito ni Ogie ay makilala rin sa industriya ng kinabibilangan ng ama, at maging isang sikat pagdating ng araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *