Kilalanin Ang Napakagandang Anak Ng Proud Mommy Na Si Dimples Romana

Bilang mga magulang, nais natin ay ang mabigyan ng maayos at magandang buhay ang ating mga anak. Ayaw rin natin na makaranas sila ng sobrang paghihirap sa buhay, kaya naman as long as kaya nating mga magulang ay talagang ginagawa natin ang lahat ng bagay maibigay lamang ang pangangailangan at nais ng ating mga anak.




Hindi rin maitatanggi na tayong mga Pinoy, ay isa sa mga pinaka mapagmahal sa ating pamilya lalo na sa ating mga anak.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram 

At tulad ng ng maraming mga magulang, ang ating mga celebrity parents din ay nais ang mabigyan ng maganda at maayos na buhay ang kanilang mga anak, tulad na lamang ng isa sa mga popular na artista ngayon na si Mommy Dimples Romana.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Matagal-tagal na rin ng magsimula ang aktres na si Dimples Romana sa industriya ng showbiz, ngunit ang kanyang naging best project ay ang Kapamilya Serye na “Kadenang Ginto” kung saan ay mas kilala siya bilang isa sa magagaling na aktres sa industriya dahil sa ipinakita niyang galing sa pag-ganap niya bilang si Daniela Mondragon.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ang tunay na pangalan sa totoong buhay ng 35-taong gulang na actress/commercial endorser na si Dimples Romana ay Dianne Marie Romana Ahmee.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Nitong nakaraan lamang ay pinamangha ni Dimple ang publiko dahil sa ipinakita niyang suporta sa pangarap ng kanyang dalawang anak na si Callie at Alonzo.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ibinahagi din ni Dimple, na sa lahat ng magagandang bagay dito sa mundo ay ang kanyang pamilya pa rin ang pinaka importante para sa kanya.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Matapos nga ang naging busy schedule ng aktres sa kanyang mga proyekto at endorsement, ay naglaan siya ng oras at panahon sa kanyang pamilya kaya naman masaya silang na kapag bakasyon sa bansang Finland.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ngunit maliban pa nga sa pagbibigay ng oras at panahon sa pamilya, mas nais bigyan ng oras ngayon ni Dimple ang makabonding at magkaroon ng maraming oras kasama ang kanyang anak na si callie, dahil sa isang taon ay naninirahan muna ito sa Australia upang doon tuparin ang pangarap nitong maging isang piloto.

Proud na proud naman si Mommy Dimples sa anak niyang si Callie, dahil sa alam nito kung ano ba talaga ang nais nitong tahakin na career sa kanyang buhay.




Kahit pa nga ba kinakabahan at natatakot siya dahil sa unang beses na mawawalay sa kanya ang anak, upang tuparin ang pangarap nito ay ginagawa ng aktres na patatagin ang kanyang sarili sa araw-araw.

Ibinahagi rin ni Dimple, na si Callie ay isang responsible at mapagmahal na anak. Nakikita niya rin sa anak ang isang dalagang may mabuting kaisipan at kalooban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *