Kilalanin Ang Napakagandang Anak ni Anjo Yllana Na Si Mika Yllana

Bawat komedyanteng nagbibigay kasiyahan sa telebisyon, ay tumatatak sa isipan at puso ng maraming manonood. Ito ay dahil sa malaki ang maitutulong ng kanilang pagpapasaya at pagpapatawa sa mga kababayan natin na may mga pinagdadaanan problema.



Ang komedyante ng aktor na si Anjo Yllana, ay talaga namang naging isa sa mga popular na komedyante noong kanyang henerasyon, dahil sa kanyang mga witty jokes at mga comedy movies, kung saan ay nakapagbibigay siya ng kasiyahan sa mga manonood.
Photo Credit: mikaelayllana/Instagram
Masasabi rin natin na sa kanyang naging karera sa showbiz, ay marami rin ang humanga kay Anjo dahil sa kanilang angking galing bilang isang comedian actor.
Photo Credit: mikaelayllana/Instagram
Ngayon nga ay tila naman naging malapit sa pagiging isang artista rin ang anak na panganay ng aktor, ito ay dahil marami ang nag papansin na mga netizens kung gaano kaganda ang anak nitong si Mikaela Yllana o Mika.
Photo Credit: mikaelayllana/Instagram
Si Mikaela Yllana, ay panganay sa mga anak ng mag-asawang Anjo Yllana at Jackie Manzano. Siya ay may tatlo pang kapatid na sina Jamie, Nathan at Andie.
Photo Credit: mikaelayllana/Instagram
Dahil sa parehong good-looks ang kanyang mga magulang, tila namana naman ito ni Mikaela, dahil ngayon ay maraming mga netizens ang talagang humahanga sa angking ganda na taglay ng dalaga.
Photo Credit: mikaelayllana/Instagram
Ngunit kahit pa ng aba marami na ang supporter’s ng dalaga, ay tila hindi naman ito interesado na pumasok sa showbiz industry dahil mas nais nito na bigyan ng oras ang kanyang pag-aaral.
Photo Credit: mikaelayllana/Instagram
Nagtapos na ng kanyang high school si Mika sa Miriam College High School, at sa kasalukuyan ay nag-aaral siya ng kolehiyo sa Ateneo De Manila University.
Maliban nga sa pagiging abala ng dalaga sa kanyang pag-aaral, ay sinusubukan rin nito ang pagiging isang modelo.
Makikita nga sa social media account ng dalaga ang kanyang tuwina’y pagbibigay ng update para sa kanyang mga tagahanga at taga suporta, sa kung ano man ang mga bagay na kanyang pinag kaka-abalahan at ginagawa.
Tulad na lamang ng mga pagkakataon na kasama niya ang kanyang mga kapamilya o kaibigan habang nag-eenjoy sa bakasyon o di kaya naman ay kung may okasyon.
Isa nga sa mga hilig gawin ni Mika ay ang i-enjoy ang kanyang kabataan sa pamamagitan ng paglabas at pamamasyal kasama ang kanyang mga kaibigan.
Kung sisilipin naman ang Instagram accounts ng dalaga, ay mapapahanga ka dahil sa kanyang mga larawang naka bikini at mababakas ang hubog ng kanyang pangangatawan. Alam na alam rin ng dalaga kung paano dadalhin ang kanyang mga sinusuot na outfit na talaga namang bumabagay sa kanya.



Hindi naman maialis sa mga netizens na umasa na pagdating ng tamang panahon, ay kaisipan rin ng magagandang anak ni Anjo Yllana na pumasok sa industriya ng kinabibilangan noon ng kanyang mga magulang.
Ngunit isa lang ang mahalaga, na kung ano man ang maging desisyon ni Mikaela para sa kanyang buhay, ay handa siya suportahan ng kanyang mga magulang lalo na kung ito ang nakabubuti para sa dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *