Kilalanin Ang Napakagandang Anak Nina John Estrada At Priscilla Meirelles

Wala nga kasing saya ang maging isang magulang, may mga pagkakataon man na nakakaramdam ka ng hirap o pagod sa pagpapalaki ng iyong anak ay wala namang makakatumbas sa ligaya na hatid ng mga ito lalo na kung makikita natin ang bawat saya sa kanilang mga maniningning na mga mata at bawat tagumpay nila sa kanilang buhay na nakakamtam nila.




Nitong nakaraan nga lamang ay very proud na ipinakilala ng modelo, host, actress at beauty queen na si Priscilla Meirelles ang anak nila ni John Estrada sa morning show na ” Magandang Buhay” ng ABS-CBN.

Photo Credit: john__estrada/Instagram

Ikinasal si Pricilla sa aktor na si John Estrada noong 2011, at dahil parehong gwapo at maganda ay talaga namang magandang lahi ang magiging anak ng dalawa.

Photo Credit: john__estrada/Instagram

Kaya naman ngayon, na ang kanilang 5-taong gulang na anak na si Samantha Anechka, ay talaga namang makikita na rin ng potential na maging beauty queen tulad ng kanyang ina mommy dahil sa nagtataglay din ito ng mukha na pang beauty queen.

Photo Credit: john__estrada/Instagram

Makikita sa naging interview nila sa “Magandang Buhay” show na napaka-cheerful at excited ni Anechka sa show.

Photo Credit: john__estrada/Instagram

Kaya’t ng tanungin ang 5-years old na si Anechka kung gusto ba niya ang laging nasa studio, ay masigla itog sumagot na “Yes! sometimes, I like being here, all day.”

Photo Credit: john__estrada/Instagram

Isa naman sa naging katanungan sa kanya ni Momshie Karla, ay kung gusto ba niya na maging isang aktres at ang kanyang naging kasagutan ay “Looks, like a good thing!”

Photo Credit: john__estrada/Instagram

Mapapansin naman sa ilang mga larawan ni Anechka na lagi siyang may suot na tiara, na tila ba nagpapahiwatig ito na sa kanyang paglaki ay nais niya na maging tulad ng kanyang mommy na isang beauty queen.




“Motherhood is the best things that ever happened to me”, naman ang naging pahayag ni Priscilla ng tanungin siya kung kamusta ang buhay niya bilang isang mommy.

Hindi magiging kataka-taka na magkaroon ng magandang career sa hinaharap ang batang si Anechka, dahil mayroon siyang mga magulang na handa siyang suportahan sa nais niyang career in the future.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *