Kilalanin Ang Napakagandang Asawa Ni Alfred Vargas Na Di Umano’y Kahawig Ni Marian Rivera

Ang aktor na si Alfred Vargas ay isa sa mga hinahangaang aktor sa industriya ng showbiz. Hindi lang dahil sa kanilang angking talento at galing sa pag-arte, kundi dahil na rin sa taglay niya ang gwapong mukha at kakisigan na talaga namang kinakikiligan ng kanyang mga tagahanga.




Ngunit alam niyo ba?, na ang gwapong aktor na ito ay mayroon ng pamilya? At syempre ay napakaganda ng asawa? na talaga namang masasabi ng ilan na bagay na bagay sila.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Ang napakagandang asawa ng aktor ay kilala bilang si Yasmine Espiritu-Vargas, isang Italian citizen, na half Italian-half Filipino. Hindi nga naman maitatanggi na ang gwapong aktor, ay swerte sa kanyang napangasawa dahil sa talaga namang napakaganda nito.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Nagkakilala ang dalawa, dahil sa isang common friends nila, ito ay ng minsang magbakasyon ang dalaga sa Laguna kung saan ay sakto namang ng mga panahong iyon ay may shows din na ginawa ang aktor sa nasabing lugar.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Dito na nga unang nagkita ang dalawa, at sa unang pagkakataon pa lamang ng kanilang pagkikita ay tila nagkagusto na sila sa isa’t isa hanggang sa nauwi na nga ang lahat sa isang sikretong kasal na ginanap noong taong 2010 sa isang Korte Suprema.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Ayon nga sa aktor, unang kita niya kay Yasmine ay napagkamalan pa niya ito na ang aktres na si Marian Rivera dahil sa kamukha nito ang aktres.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Ang masayang pagsasama nina Yasmine at Alfred bilang mag-asawa, ay biniyaan na rin ng tatlong anak, at ito ay sina Alexandra Milan Vargas, Aryana Cassandra Vargas at Alfredo Cristiano Vargas IV.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Marami namang mga netizens, ang talagang namangha sa taglay na ganda ni Yasmine at sa laki nga ng pagkakahawig niya sa aktres na si Marian Rivera. Ilan pa nga sa mga ito ay nagsabi na marahil ay kakambal siya ni Marian, samantala ang iba naman ay sinasabing ka-doppelganger siya ng aktres dahil nga sa talagang magkahawig silang dalawa.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Samantala, naibahagi naman ni Yasmine na bago pa niya makilala at maging asawa si Alfred Vargas, at naging tagahanga na siya nito. May ilan pa nga umano siyang mga larawan ng aktor, at mga poster nito na dinidikit niya noon sa wall ng kanyang kwarto.




Ayon pa sa kanya, sinusubaybayan niya pa noon ang mga ginagawa nitong teleserye at pelikula.

Ngayon, kasama ang kanyang napakagandang asawa ay masaya ang buhay pamilya ni Alfred Vargas. Naglilingkod rin ngayon ang aktor bilang isang Congressman, na nasa ikatlo na niyang termino sa kanilang lugar sa Quezon City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *