Kilalanin Ang Napakagandang Babaeng Hinahangaan Ni Coco Martin Sa Showbiz

Lahat naman siguro tayo ay mga taong hinahangaan natin sa ating mga buhay. Minsan, sila ang ating inspirasyon para maging ganado tayo sa ating mga buhay. Karaniwan sa mga ating hinahangaan ay mga artista at mga kilalang personalidad, base na rin sa ating mga panlasa.




Pero katulad ng mga pangkaraniwang tao, may mga hinahangaan din ang mga artista. Tao rin naman sila. Katulad na lamang ng bida sa Ang Probinsyano na si Coco Martin. Kilala si Coco dahil sa kaniyang angking karisma at galing sa pag-arte. Pero alam mo bang may hinahangaan rin ang “Prince of Indie Films?”

Kilalanin natin ang 15-taong-gulang na si Lala Vinzon. Sumali noon si Lala sa The Voice Teens kung saan kabilang siya sa Camp Kawayan ni Bamboo. Nakuha ni Jona Marie Soquite mula sa Team Sarah ang kampeonato noong mga panahong iyon. Hindi man siya nagwagi, ginulat at minangha niya naman ang madla sa ganda ng kanyang boses. Sa ganda ng kanyang boses, naimbitahan siya, dahil kay Joross Gamboa, na kumanta sa Ang Probinsyano. Nabigyan niya ng hustisya ang kantang Rise Up na umani naman ng papuri mula sa mga cast ng Ang Probinsyano at syempre, ni Coco Martin.

Nagmula si Lala sa Mexico, Pampanga at anak ng dating action star na si Roy Vinzon. Sa kasalukuyan ay marami siyang proyekto at isa na dito ay pagkakabilang niya sa isang grupo sa ASAP kasama sina Ylona Garcia, Jayda Avanzado, Kyle Echarri, Jeremy Glinoga, at Darren Espanto na pawang mga batang mananawit. Maliban pa rito, nabigyan rin siya ng pagkakataong lumabas sa Ang Probinsyano. Salamat kay Coco Martin na sobra ang paghanga sa kaniya.

Kaya naman kahit hindi pinalad sa The Voice Teens, masuwerte pa rin siya dahil sa mga biyayang dumarating sa kaniya. Walang duda, sa kaniyang angking ganda at talento, tiyak na malayo ang mararating ng batang ito!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *