Kilalanin Ang Napakagandang Bunsong Anak Ni Momshie Karla Estrada

Sadyang napakabilis nga naman ng paglipas ng panahon, kaya naman hindi natin namamalayan ang mabilis ring pagdadalaga at pagbibinata ng ating mga anak.



Sa buhay ng isang magulang, minsan ay hinihiling natin na sana ay manatiling bata na lamang ang ating mga anak, sapagkat alam natin na kapag dumating sila sa punto na kaya na nilang alagaan at suportahan ang kanilang mga sarili, ay may posibilidad na bihira na lamang natin silang makasama dahil sa may sarili na silang buhay na kinabi-busyhan.
Image Credit via Google
Ngunit hindi nga naman natin mapipigilan ang panahon, dahil sadyang patungo talaga sa “maturity at adulthood” ang ating mga anak.
Image Credit via Google
Katulad na lamang nga ng bunsong anak ni Momshie Karla, na parang kailan lamang ay isang napaka-kyut at makulit na bata pa, ngunit ngayon makikita natin na isa na itong dalaga.
Image Credit via Google
Batid natin na ngayong panahon ng quarantine, ang mga selebrasyon at pagdiriwang ng mga espesyal na okasyon ay sa bahay na lamang muna ipinagdiriwang, kumpara sa nakasanayan ng marami sa atin noon, na pag may mga okasyon ay mas madalas namamasyal at kumakain sa labas ang isang mag-anak o pamilya.
Image Credit via Google
At dahil nga sa quarantine, maging ang celebrity mommy na si Momshie Karla, ay mas pinili na lamang na bigyan ng surpresa ang kanyang bunsong anak na babae sa kanilang tahanan, sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan noong ika-8 ng Pebrero.
Image Credit via Google
Isang “sweet surprise” ang inihanda ni Magandang Buhay host Momshie Karla Estrada at panganay na anak nitong si Teen King Daniel Padilla para sa bunso ng kanilang pamilya na si Carmela Ford.
Image Credit via Google
Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Carmela, ay ganap na nga itong teenager.
Ibinahagi ng matalik na kaibigan ni Momshie Karla na si DJ Jhaiho ang “sweet video” clip sa Instagram, na surpresa para kay Carmella.
Image Credit via Google
Para sa mga kapamilya ni Carmella, dahil sa ito umano ang bunso sa kanilang pamilya ay sadyang taglay nito ang “kakulitan” noong bata pa ito, ngunit ngayon ang dati ngang makulit na bata ay isa ng ganap na dalaga.



Mapapansin nga sa mga lararawan ni Carmella sa kanyang Instagram account, na sa edad nito ay masasabi natin na isa itong malaking babae, dahil sa taglay niyang tangkad at hubog ng katawan.

 

View this post on Instagram

 

Happy Birthdaaay @lella.ford ❤️

A post shared by Dj JhaiHo (@mor1019jhaiho) on

Napakabilis nga naman ng panahon, hindi natin namalayan na ang mga bata pa lamang nating mga anak na ating inaalagaan, ay sadyang mga nagdadalaga na ngayon, tulad nga ng anak ni Momshie Karla na si Carmella. Ano ang masasabi niyo sa little girl noon ni Momshie Karla na si Carmella? Na Ngayon ay isa ng ganap na dalaga?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *