Kilalanin Ang Napakagandang Ina Ng Sikat Na Aktres Na Si Kristine Reyes At Ara Mina

Sa ating panahon ngayon ay marami ng iba’t ibang gawain ang nauuso dahil sa mga millennials, Iba-iba ang kanilang nagpauso katulad sa pananamit, sa pagsasalita, sa pagkilos at ganun din sa mga ginagawa nila sa social media. Ilan sa mga pinauso ng Millennials sa ating social media account ay ang mga #hashtags, challenges at mga throwback Thursday.

 

Image Credit via Google




Ang throwback Thursday ang isa sa mga pinakanauso sa lahat at halos lahat ng mga social media user ay kina-aliwan ito. Ang throwback Thursday ay ang paghahanap mo ng iyong mga lumang larawan na kuha pa noong iyong kabataan, kaya’t ang mga social media user ay muling ibinahagi ang kanilang mga lumang larawan na kung saan ay muli nilang nabalikan ang kanilang mga masasayang alaala sa kanilang kabataan.

Image Credit via Google

Ilan sa ating mga artista ay hindi rin naman nagpahuli sa nausong challenge na ito, at kabilang na dito si Ara Mina na ibinahagi ang throwback photos ng kanyang ina.
Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ng aktres ang throwback photos ng kanyang ina na talagang makikita sa larawan na ito ay mga sinaunang larawan pa at may bakas na ng pagkaluma.

Image Credit via Google

Ang larawan na ito ay ang larawan ng Ina nina Ara Mina at Cristine Reyes na kung saan ay kinoronahan ang kanilang ina bilang isang beauty queen.
“Look what I found, a picture of my mom (she’s half German). Na-restore tong picture and ito na lang ata pictures niya noong nanalo siyang “Mutya ng Pasig 1967.”

Image Credit via Google

“Kasi mga pictures naming especially mga baby pictures ko wala na dahil sa Typhoon Ondoy non, even my diplomas, honorable mention and awards sa school like “Most Cooperative” at iba pa nabaha (diba may special awards din ako di lang sa pag-aartista). Wala lang just sharing lang. Chatting with my mom now after her check-up today.” Ang naging caption ni Ara sa throwback photos ng kanyang ina.

Image Credit via Google

Ayon din kay Ara napakahalaga ng larawang ito dahil ang larawang ito ay isa sa mga naisalba nila noong sila ay salantain ng Bagyong Ondoy, na kung saan ay halos lahat ng kanilang mga lumang larawan sa kanilang kabataan ni Christine at mga awards nilang dalawa ay hindi na nila naisalba.




Sa isang ulat naman sa Philstar noong taong 2000 ay isinasaad doon na si Venus Imperial ay isang dating aktres at ina nina Ara Mina at Christine Reyes na parehong aktres naman sa ngayon at ng tatlo pa nilang mga kapatid.

Ano ang masasabi nyo sa throwback photo ni Ara Mina? At kayo nakapag bahagi na ba kayo ng inyong mga throwback photo? Subukan nyo na dahil talagang kaaaliwan nyo ang muling pagbabalik ng inyong mga lumang larawan at ang mga alaala nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *