Kilalanin Ang Napakagandang Ina Ni Kristine Hermosa Na May Pinagmanahan Ang Angking Ganda

Isa sa pinakamahusay na aktres ng kanyang henerasyon at itinuturing sa showbiz na nagtataglay ng hindi nakakasawang ganda ng mukha ay si Ana Kirsten Esmeralde Hermosa o mas kilala sa kanyang screen name bilang si Kristine Hermosa.




Hindi maikakaila na mula ng lumabas at masilayan sa telebisyon ang napakagandang mukha ng aktres ay talaga namang nappakarami ang humanga at nabighani sa kanyang angking ganda.

Photo Credit: khsotto/Instagram

Dahil nga sa kanyang husay bilang isang aktres, idagdag pa nag pagkakaroon niya ng napakaganda at maamong mukha, ay napakaraming mga teleserye at malalaking pelikula ang kanyang pinagbidahan. Maliban pa sa mga ito ay napakarami rin niyang mga naging TV commercials at guesting sa iba’t ibang mga programa sa telebisyon.

Photo Credit: khsotto/Instagram

Ang kagandahan ngang taglay ni Kristine Hermosa ay kanyang namana sa napakaganda niyang ina na si Maria Alma ‘Mai’ Orille, kung saan kamakailan nga lamang ay makikita sa isa niyang post sa kanyang Instagram account ang naging pagbabahagi niya ng larawan ng ina kalakip ang mensahe para rito na nagpapahiwatig kung gaano niya ito kamahal at nami-miss.

Photo Credit: khsotto/Instagram

“Missing you always, my Mama. I love you forever.” Samantala, makikita naman sa post ni Kristine noong nakaraang taon sa pagdiriwang ng Mother’s day ay binati niya ang kanyang ina kalakip ang larawan nila kasama ang iba pa niyang kapatid.

Photo Credit: khsotto/Instagram

Kalakip nito ay ang kanyang naging captiom kung saan ay ipinabatid niya kung gaano niya kamahal at tinitingala ang kanyang ina sa lahat ng pagmamahal at naging sakripisyo nito sa kanilang magkapatid “We all have a choice in life. A free will that the Lord has gifted us with… To my Mama, who could’ve chosen an easier path but instead embrace God’s gift of being a young mother. ..

Photo Credit: khsotto/Instagram

thank you for all your love and devotion. [red heart emoji] tama ka when you said – “Papunta ka pa lang, pauwi na ako”, “Marami ka pang kakainin na butil ng bigas”, “Hindi mababayaran ng kahit na sino ang sakripisyo ng isang ina”, “Ako ang nagluwal sa inyo sa mundong ito.”

Photo Credit: khsotto/Instagram

Kaya para sa lahat ng ina na nagsasakripisyo at nagmamahal katulad ng aming ina…saludo ako sa inyo. Our faith to our heavenly Father, our love and devotion to our family are the best gift we could ever give to our children/family. They live by our example.

Photo Credit: khsotto/Instagram

We only get to live and be mother once in this lifetime, let us be how God designed mothers to be. [red heart emoji] Cheers to all mothers in the world!!!May the Lord grant you with His unconditional love, peace, joy, grace, courage and strength that you may have more than enough to share to your family and the people around you. HAPPY MOTHERS DAY!!!! #MamaAlma”




Makikita nga naman sa naging mensahe ni Kristine sa post niyang ito na hindi matatawaran ang pagmamahal at paghanga niya sa kanyang ina na talaga namang kitang-kita sa mga larawan na pinagmanahan niya ng kanyang napakagandang mukha.

Sa ngayon ay isa na ring ganap na ina ang aktres na si Kristine Hermosa, kung saan ngayon ay ipinagbubuntis pa niya ang magiging ikalimang anak nila ng kanyang asawa na si Oyo Boy Sotto. Si Kristine ay ikinasal sa aktor na si Oyo Boy noong ika-12 ng Enero taong 2011.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *