Kilalanin Ang Napakagandang Indonesian Wife Ng Singer Na Si Christian Bautista

“It’s worth the wait”, para sa singer na si Christian Bautista, pagdating sa naging kaganapan sa kanyang buhay pag-ibig. Marami nga sa atin ang naniniwala, na sa buhay ng isang tao, ay may nakalaan ng magiging kapareha sa ating mga buhay, o yung sinasabi nating “forever”




natin. Talagang kailangan mo lang siyang hintayin at paghandaan ang kanyang pagdating, dahil paniguradong magiging sulit at sobrang ligaya sa pakiramdam pag siya’y iyo ng natagpuan.

Photo Credit: xtianbautista/Instagram

Ang singer na si Christian Bautista, ay isa sa mga masasabi nating maswerte sa kanyang buhay pag-ibig, lalo na sa kanyang naging asawa, na kinilalang si Kat Ramnani.

Photo Credit: xtianbautista/Instagram

Ayon sa mga naging ulat, si Kat Ramnani, ay isang Indonesian. Isa rin siyang executive ng isang telecommunication company, kaya naman prominente din siya sa bansang Indonesia.

Photo Credit: xtianbautista/Instagram

Noong ika-17 ng Nobyembre 2018, ikinasal ang singer na si Christian Bautista sa kanyang asawang si Kat, at ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay nasa dalawang taon na, ngunit sa kabila nito, ay kitang-kita parin sa kanilang dalawa, ang tamis ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa at saya na nadarama nila sa tuwing sila’y magkasama.

Photo Credit: xtianbautista/Instagram

Matatandaan na ilan sa mga kaibigang celebrity ni Christian ang dumalo sa kanilang pag-iisang dibdib. Kagaya na nga lamang ng kanyang kapwa singer na sina Erik Santos, Sam Milby at Mark Bautista. Dumalo rin ang aktres na si Cris Villonco, businessman na si Christian Mark Jacobs at ang Tv ost na si Cesca Litton.

Photo Credit: xtianbautista/Instagram

Hindi nga lamang isang beses ikinasal sina Christian at Kat, dahil matapos ang kanilang unang kasal na ginanap sa Bali, Indonesia ay muli silang nagpakasal sa pangalawang pagkakataon, at sa Pilipinas naman ito naganap, noong buwan ng Disyembre.

Photo Credit: xtianbautista/Instagram

Bago pa man naging mag-asawa, ay naging magkasintahan muna ang dalawa, ng halos dalawang taon, dahil ang maganda nilang pagtitinginan ay nagsimula pa noong taong 2015, hanggang sa mag-propose si Christian kay Kat noong ika-30 ng Oktubre.

Photo Credit: xtianbautista/Instagram

Makikita naman sa IG account ni Christian, ang madalas niyang pagbabahagi nila ng larawan ng kanyang asawa, kung saan ang bawat larawan ay nagpapakita ng napakagandang mukha ni Kat.

Photo Credit: xtianbautista/Instagram

Ayon nga kay Christian, ay talagang nabighani siya sa kanyang asawang si Kat, at isa na sa mga factor na kanyang minahal dito, ay ang taglay nitong kagandahan.




“How can I resist that smile? [heart emoji], caption ni Christian sa isang larawan ng kanyang asawa, na nagpapakita ng angkin nitong ganda, na lalong lumulutang kapag ito ay nakangiti at masaya. Maraming mga netizens naman, ang napahanga rin sa napakagandang asawa ni Christian Bautista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *