Kilalanin Ang Napakagandang Kapatid Ni Ella Cruz Na Si Tricia Cruz

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media, ang kapatid ng aktres na si Ella Cruz, na di umanoy kasing ganda rin ito ng aktres.




Si Gabriela Annjane Umali Cruz o mas kilala sa stage name na Ella Cruz, maliban sa pagiging aktres ay isa rin siyang magaling na mananayaw.

Image Credit via Google

Pinanganak noong Agosto 17, 1996. 23 taong gulang at sinimulan ang pag aartista noong 2006 at nakilala naman siya noong 2012 sa isang Fantasy Drama na “Aryana”.

Image Credit via Google

Hindi lamang sa pag arte at pagsasayaw nakilala si Ella Cruz, dahil ang dalagang aktres ay kilala rin sa pagiging isang endorser ng iba’t ibang produkto, pag hohost sa iba’t ibang tv shows, pagkanta, pagsusulat, at pagmomodel ng iba’t ibang produkto.

Image Credit via Google

Ang unang pelikulang nagawa ni Ella kung saan nakuha nya ang leading role ay ang “Fangirl, Fanboy” noong 2017 kasama ang kanyang leading man na si Julian Trono na kasalukuyan nyang nobyo ngayon.

Image Credit via Google

Sa Viva Artist Agency nagsimula ang pag usbong ng karera ng aktress at kalaunang mas nakilala pa nga siya dahil sa videong na kanyang ini-upload sa YouTube na kung saan ay mas kinagiliwan at namangha ang marami sa kanya dahil sa ipinakita niyang galing sa pagsasayaw ng “Twirk it Like Miley.”

Image Credit via Google

Taong 2017 rin unang nakapag publish ng libro si Ella na pinamagatang “Jump In”sa ilalim ng V3RJ Books Publishing kung saan kinwento ng aktres ang istorya ng kanilang pagmamahalan ng kasalukuyan niyang nobyo na si Julian Trono.

Ang librong ito ay nagpakita rin ng maraming litrato nilang magkasintahan at ang tulang sinulat ni Julian para kay Ella na sya namang pinost ng aktres sa kanyang Twitter Account.

Tubong Angat, Bulacan ang kaniyang buong pamilya ngunit sa katanyagan mas pinili ng aktres na ipribado ang iba pang impormasyon tungkol sa kanilang pamilya at pamumuhay.

Base sa pag-uugali at kilos ng aktres mapapansin na siya ay lumaki sa isang pamilya na suportado siya sa lahat ng nais niya, at talaga namang mahal na mahal siya.

Ngunit alam niyo ba, na may kapatid si Ella na kasing ganda din niya? at ngayon ay gumagawa na rin ng sarili nitong pangalan sa online world?

Wala man sa industriya ng showbiz, lumilikha naman ito ng sariling pangalan sa social media, siya si Trisha Cruz.

Sa programang Magandang Buhay noong Enero 11, 2017 unang nakita ang kapatid ni Ella na si Trisha Cruz, dahil sa ito ang kasama ng aktres sa kanyang interview sa nasabing programa.

Dito ay ibinahagi rin ni Ella ang pagiging malapit nila ng kapatid na lalo na kung ang usapin ay patungkol sa Lovelife. Hindi nga lamang si Trisha ang kapatid ni Ella Cruz dahil mayroon pa itong dalawang kapatid na sina Ethan at Lana.




Marami sa mga netizens na nanuod ng interview sa sinasabing programa ang humanga sa kagandahan ng kapatid ni Ella na si Trisha. Marami sa mga ito na hinihiling at umaasa na sana balang araw ay maisipan ni trisha ang pagpasok sa showbiz.

Ang iba ay sinimulan ng i follow si Trisha sa kanyang mga Social Media Accounts, at may ilan naman na sinusubaybayan na si Trisha sa kanyang mga videos sa Youtube kung saan ibinabahagi nya ang Paglalaro Online , Travels, Fashion at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *