Kilalanin Ang Napakagandang Kapatid Ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

Taong 2015 ng hirangin bilang Miss Universe 2015 si Pia Wurtzbach, ang kanyag pagkapanalo sa prestihiyosong beauty pageant na ito ay talaga namang inabangan ng marami nating mga kababayan dito sa Pilipinas o maging mga nnasa ibang bansa. Nagdiwang nga naman ang lahat ng matagumpay ngang maiuwi ni Pia sa Pilipinas ang nasabing titulo at korona.




Si Pia ay hindi lamang hinangaan ng publiko dahil sa ipinamalas niyang kagandahan at kaseksihan sa pagrampa niya sa entablado ng Miss Univerese, ngunit mas umani pa siya ng paghanga dahil sa katalinuhan na kanyang ipinamalas sa nasabing patimpalak lalo na nga sa Q&A portion kung saan ay tumatak sa marami ang tagline niyang “confidently beautiful with a heart.”

Image Credit via Instagram

Samantala, marahil marami sa atin ang hindi nakakabatid na si Pia ay mayroong kapatid na mala-beauty queen ang taglay na kagandahan at ito nga ay si Sarah Wurtzbach. Ayon sa ulat, parehong ipinanganak sa Stuttgart , Germany sina Pia at Sarah, kung saan ang kanila ngang ama ay isang Geman at isa namang Pinay ang ina nilang si Cheryll Alonzo Tyndall.

Image Credit via Instagram

Sa mga panayam kay Pia ay madalas nga niyang mabanggit kug gaano siya kasaya sa pagkakaroon ng kapatid na babae, lalo na nga’t halos lahat ng bagay ay pinagkakasunduan nila ng kapatid niyang si Sarah, at ilan na nga rito ay pagdating sa fashion at mga make up.
Sobra ngang malapit sa isa’t isa ang magkapatid na sina Pia at Sarah at halos hind inga sila mapaghiwalay. Ayon nga kay Sarah sa tuwing mayroong aalis sa kanilang dalawa ay nagkakaroon sila ng “sepanx.”

Image Credit via Instagram

“Every time we’re apart, heartbroken ako, parang I’m broken up with someone. She’s my anti-depressant, she’s my happy pill”, kuwento ni Sarah. Kahit naman si Sarah ang nakababata sa kanila ni Pia, ay tila nga siya ang nagiging panganay dahil sa kanyang strong characteristics.

Image Credit via Instagram

Honest kasi siya at talaga namang kug sumagot ay direkta o kung tawagin nga natin ay prangka. Si Sarah nga ang isa sa mga naging inspirasyon ni Pia upang magpatuloy sa pageant sa kabila nga ng ilang beses nitong pagkabigo na masungkit ang pangarap na titulo at korona.

Si Sarah ay talaga namang palaging nasa tabi ni Pia at nakasuporta, ngunit napaka-istrikto naman nito pagdating sa pakikipag-date ng beauty queen sa mga nagkakainteres na lalaki dito, kung saan talaga namang kinikilatis nga ng husto ni Sarah at bina-background check ang mga lalaking nais na makipagdate kay Pia.




Marami naman ang nagsasabi na tulad ni Pia ay maari ring sumabak sa pagiging isang beauty queen si sarah, ito ay dahil tulad ni Pia ay nagtataglay din nga si Sarah ng kahanga-hangang ganda at hindi birong vital statistics ng pangangatawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *