Kilalanin Ang Napakagandang Kapuso Teen Actress Na Willing Umano Na Makipag Date Sa Kanyang Fan

Teen actress na si Jillian Ward, matapang na sinagot ang mga katanungan ng kanyang mga tagahanga at followers. Isa sa mga itinuturing na teen actress ngayon sa mga Kapuso star sa GMA-7 network ay ang “Prima Donna” star na si Jillian Ward.



Matatandaan na si Jillian Ward, ay nag-umpisa sa kanyang pagiging isang artista ng siya at 4-taong gulang pa lamang, kung saan ng mga panahong iyon ay tila isang laro lamang ang showbiz at ang set kung saan siya umaarte, ay isa lamang playground.
Photo Credit: jillian/Instagram
Ngunit ngayon na si Jillian, ay isa ng nagdadalaga, sa edad nito na 14-taong gulang, ay nakikita na niya kung ano nga ba ang totoong buhay sa industriya ng kanyang kinabibilangan, at kung gaano ang kahalaga ang career na kanyang tinatahak.
Photo Credit: jillian/Instagram
Nitong nakaraan lamang, sa kanyang latest vlog, ay nagkaroon ng pagbubunyag ang teen actress sa ilang mga “tidbits” tungkol sa kanyang sarili, at ito nga ay sa pamamagitan ng kanyang mga kasagutan sa ilang mga katanungan mula sa kanyang mga tagahanga.
Photo Credit: jillian/Instagram
Ang nakababatang kapatid ni Jillian, ang pumili ng mga katanungan na mula sa mga tagahahanga nito sa social media account ng Kapuso star, at ito nga ay matapang niyang sinagot kahit pa ang ibang mga katanungan ay personal.
Photo Credit: jillian/Instagram
Isa nga sa mga naging katanungan ng isang tagahanga ni Jillian ay kung ano ang sikreto nito sa pagiging glowing sa kanyang pagdadalaga?
Photo Credit: jillian/Instagram
“Physically siguro of course, take care of your health, alagaan mo yung sarili mo, body mo, mag-work out ka if kailangan. Kumain ka ng mga tamang pagkain, whatever works for you that’s what matters.” Ang naging kasagutan nga ni Jillian.
Photo Credit: jillian/Instagram
Idinagdag pa nga ng dalaga, na kinakailangan din na hindi lang ang pisikal na katawan ang alagaan, kundi maging ang “mental health” rin. Itinanong rin sa dalaga, kung ano ba ang kanyang ideal man?
Photo Credit: jillian/Instagram
Kung saan, ay agad naman itong sinagot ni Jillian, na “kind hearted, hard-working, respect others, and most especially himself.” Ibinahagi din ni Jillian, na hindi lang sa kanyang ideal man niya hinahanap ang mga katangiang ito, kundi maging sa mga taong nais niyang maging kaibigan at parte ng kanyang buhay.
Photo Credit: jillian/Instagram



Samantala, isa naman sa mga agaw-pansing katanungan na itinanong kay Jillian ay kung willing baa ng dalaga, na makipag date sa kanyang fan? At ito naman ay sinagot din ni Jillian ng;
Photo Credit: jillian/Instagram
“Siguro po pag nasa tamang oras na. Hindi naman natin nako-control kung kanino tayo nagkakagusto, so why not? One day, pag pwede na.” Sa ngayon, ay isa ng si Jillian sa mga pinakamahusay na teen actress na mapapanood natin sa mga serye ng GMA-7. At isa nga sa kanyang pinagbibidahan serye ngayon ay ang “Prima Donnas.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *