Kilalanin Ang Napakagandang Mommy Ni Kylie Padilla Na Si Liezl Sicangco

Hindi nga maikakaila na ang aktres na si Kylie Padilla, ay mula sa nag-gagwapuhan at nag-gagandahang lahi ng mga Padilla sa showbiz industry. Ito ay dahil ang aktres, ay isa sa mga itinuturing na may pinakamagandang mukha sa showbiz, na talaga namang hinahangaan at iniidolo ng marami.




Ang ama ni Kylie Padilla, ay ang isa sa mga gwapong miyembro ng mga Padilla, at ito ay walang iba kundi ang beteranong action-star na si Robin Padilla. Kaya naman ang pagiging isa niyang mahusay na aktres ay tila nakuha rin niya sa pagiging isa niyang Padilla.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Samantala, marami naman ang nakakapansin ngayon ng mas malaking pagkakahawig ni Kylie sa kanyang ina, lalo na ng ibahagi ng aktres sa kanyang social media account ang larawan nito.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Kylie, ang throwback photos ng ina niyang si Liezl Sicangco, kung saan ang larawang ito ay kuha noong halos ang edad ng kanyang ina, ay ang edad ni Kylie ngayon.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

“My mom at my age. I think. HOLY. Where did I get all the black thing?, saad ng aktres sa caption ng larawan.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Marami sa mga tagahanga ng aktres ang talaga namang humanga sa angking ganda rin ng ina ng aktres noong kabataan nito, kung saan ay sinabi pa ng ilan sa kanyang mga tagahanga ang malaking pagkakahawig niya sa ina, na tila isa silang kambal.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Tulad ng mga pisikal na katangian ni Kylie na, makinis, maputi at talaga namang mayroong maamo at napakagandang mukha, ay ganitong ganito rin ang taglay na katangiang pisikal ng kanyang ina.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Mapapansin rin na namana ng aktres sa Mommy niyang si Liezl ang kanyang matangos na ilong at ang kanyang ‘fierce looking eyes.”




Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens, na makikita sa comment section ng larawan na ibinahagi ng aktres. “Kamukha niyo po!” “Gandaaaaa.” “Ganda!!! Kamukhang kamukha mo..”

Ang ina ni Kylie na si Liezl Sicanggo, ay isang dating aktres sa industriya ng showbiz, at dito niya nakilala ang aktor na si Robin Padilla. Ikinasal siya kay Robin at nagkaroon ng apat na anak, sina Queenie, Kylie, Zhen-Zhen at Ali. Sila ay naghiwalay matapos ang 11-taon na pagsasama bilang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *