Kilalanin Ang Napakagandang Pamilya Ng Sikat Na Mayor Na Si Isko Moreno

Ang mundo ng pulitika ay sadya nga namang magulo at maraming kaakibat na responsibilidad. Maaari ring maging mitya ito na malagay sa panganib ang iyong buhay lalo na kung may mga tao sa iyong nasasakupan ng hindi ikinatutuwa ang iyong naging pamamalakad.

Image Credit via Google




Bilang isang pulitiko din ay mababawasan ang panahon mo sa iyong pamilya dahil mas marami ang iyong oras na kailangan ilaan sa iyong mga kababayan na umaasa sa iyo bilang isang tao na may katungkulan.

Image Credit via Google

Magkaganon pa man ay marami pa rin sa ating mga kababayan ang ninanais na maging isang pulitiko na kung saan ay may iba’t-iba silang rason kung bakit ito ang nais nilang bokasyon. Ang iba sa kanila ay nais na mas maging maayos ang pamamalakad sa ating lipunan na inilalahad nila sa kanilang plataporma sa tuwing nagkakaroon ng eleksyon.

Image Credit via Google

Ang isa nga sa mga lumaban noong nakaraang eleksyon ay si Isko Moreno na nanalo bilang alkalde ng siyudad ng Maynila. Isa si Mayor Isko Moreno ngayon sa mga pulitiko na hinahangaan at pinag-uusapan sa ating bansa dahil sa pagsisimula pa lamang ng kanyang termino bilang isang alkalde ng lungsod ng Maynila ay kanya na agad isinagawa ang ibang bagay na kanyang isinaad sa kanyang plataporma.

Ngunit sino nga ba si Isko Moreno noong siya ay hindi pa isang alkalde ng Maynila? At sino-sino ang kanyang pamilya na kanyang katuwang sa mga desisyon niya sa kanyang buhay?
Si Isko Moreno ay isang mamamayan na lumaki sa Tondo, Maynila.

Isa din siyang dating aktor na mas piniling lisanin ang industriya ng showbiz upang pasukin ang mundo ng pulitika at paglingkuran ang lugar na kanyang kinalakihan. Dahil sa siya ay laking-Tondo ay agad niyang nakuha ang suporta at pagmamahal ng mga taga lungsod ng Maynila na naging daan ng kanyang pagkapanalo bilang bagong alkalde ng nasabing lungsod na kung saan ay sa kanyang pagkapanalo ay naging pagtatapos naman ng termino ni Erap Estrada na dating Presidente ng ating bansa at alkalde ng Maynila.

Bagama’t isa ng pulitiko ngayon si Isko ay hindi naman niya isinasantabi ang responsibilidad niya sa kanyang pamilya dahil siya ay isa ring asawa at ama. Ang kanyang asawa na 19 taon na niyang katuwang at kasama sa buhay ay si Diana Lynn Ditan at sila ay may limang anak na sina Vincent Patrick, Frances Diane, Joaquin Andre, Franco Dylan at Drake Marcus.

Sa limang anak ni Isko ay nag-iisa lamang ang kanyang anak na babae kaya’t ito ay ang unica ija ng kanyang pamilya na si Frances Diane na ganap ng isang dalaga dahil nitong nakaraan lamang ay ipangdiwang nito ang kanyang ika-18 kaarawan..




Ang isa naman sa mga anak niyang lalaki na Joaquin ay nais na sundin ang dating propesyon ng kanyang ama at ito ay ang pagpasok sa showbiz industry at maging isang kilala at sikat na artista na hindi imposible mangyari dahil may taglay itong kakisigan katulad ng kanyang ama at talento na minana niya rin dito. Ano ang masasabi niyo sa balak ng isang anak ni Mayor Isko Moreno na sundin ang dating propesyon ng kanyang ama?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *