Kilalanin Ang Napakagandang Pamilya Ng Sikat Na Mayor Na Si Isko Moreno

Napaka Gulo ng mundo ng pulitika. Alam naman nating hindi biro ang pumasok sa mundo ng pulitika lalo pa’t ang iyong pagsisilbihan ay ang iyong mamamayan. Ikaw ang responsable sa pagtulong sa kanila para maayos ang kanilang tinitirhan lugar. Maliban pa rito, hindi lahat ng tao ay magkakagusto sa pamumuno mo lalo na at gusto mong magkaroon ng tunay na pagbabago para sa mga tao.

Maaari ring mapanganib ang iyong buhay dahil sa bokasyon pinili mo. Huwag mo na ring asahang magkaroon ka ng oras sa iyong pamilya dahil malamang ay ibuhos mo ang iyong oras sa pagsisilbi sa iyong bayan.

Photo Credit: Isko Moreno/Google




Isa sa mga sikat na pulitika ngayon sa Pilipinas ay ang alkalde ng siyudad ng Maynila na si Isko Moreno. Sa simula pa lamang ng kanyang termino bilang alkalde ng kabisera, nagkaroon na siya ng matatapang na reporma para sa Maynila. Isa dito ay ang pagsasaayos at paglilinis ng mga kalye na noo ay hindi na daanan ng sasakyan. Naging laman rin siya ng iba’t-ibang balita dahil sa kanyang mala “jologs” na lenggwahe. Sa bawat aksyon niya, talagang meron agad na resulta.

Photo Credit: Isko Moreno/Google

Ngunit sino nga ba si Isko Moreno at sinu-sino ang miyembro ng kanyang pamilya? Si Isko Moreno ay isang dating aktor na piniling iwan ang showbiz at magsilbi sa lugar na kanyang kinalakihan. Siya ang tumapos sa termino ng dating alkalde ng Maynila at dating presidente ng Pilipinas na si Erap Estrada. Dahil laking Tondo, nakuha niya ang pagmamahal ng mga taga-Maynila kung kaya’t siya ang itinanghal na bagong alkalde ng siyudad. Maliban sa pagiging isang batikang politiko, isa rin siyang mabuting asawa kay Diana Lynn Ditan at isang mabuting ama sa kanyang limang anak.

Sa 19 taon nilang pagsasama ni Diana, nagbunga ito ng limang mga paslit na sina Vincent Patrick, Frances Diane, Joaquin Andre, Franco Dylan at Drake Marcus. Nitong nakaraang taon lamang ay ipinagdiwang ng kaniyang unica hija ang ika-18 ng kaarawan. Katulad naman ng dating propesyon ng kanyang ama, balak ni Joaquin na maging artista at pumasok sa showbiz. Hindi naman ito nakapagtataka dahil talagang may ibubuga ito pagdating sa itsura at sa talento na malamang ay nakuha niya sa kanyang ama.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *