Kilalanin Ang Napakagandang Russian Girlfriend Ni Joseph Marco Na Si Dasha Romanova

Sa pamamagitan ng Instagram account, ay ipinakilala na ng aktor na si Joseph Marco sa publiko ang kanyang napakagandang Russian girlfriend na si Dasha Romanova.



Marami sa ating mga kilalang mga artista, na pagdating sa kanilang buhay pag-ibig ay mas pinipiling maging pribado ito, kaysa isapubliko upang maiwasan ang mapag-usapan lalo na kung ang kanilang mga karelasyon ay isang non-showbiz personality.
Ngunit may ilan rin naman na mas nais ibahagi sa kanilang mga tagahanga at sa publiko, ang saya ng kanilang buhay pag-ibig, tulad na lamang ng Kapamilya actor na si Joseph Marco.
Makikita sa Instagram account ni Joseph Marco, ang kanyang naging pagbabahagi ng ilang mga larawan kung saan ay kasama niya ang kanyang nobyang si Dasha, na nagpapasaya sa kanya ngayon. Kalakip ng mga larawang ito, ay ang caption na;
“You are the one I’ve waited for”, ang naging caption ni Joseph Marco sa kanyang mga ibinahagi ng larawan. Dahil sa marami ang mga tagahanga ng aktor ang agad nakakita sa mga larawan na ibinahagi niya kung saan ay kasama niya ang nobya, ay agad nag-search ang mga ito ng tungkol sa pagkatao ni Dasha Romanova.
Dito napag-alaman ng marami sa atin na si Dasha Romanova, ay isa palang Russian model at ang kanyang tunay na pangalan ay Darja “Dasha” Romanova.
Naging usap-usapan naman ang nobya ni Joseph Marco, na si Dasha sa social media, dahil sa mga larawan nito, kung saan ay kitang-kita sa dalaga kung gaano ito kaganda na ang ilan pa nga ay sinasabing tila isa itong buhay na manyika.
Isa pa sa mapapansin sa mukha ng napakagandang dalaga ay ang blue eyes nito, na nakakadagdag sa angking ganda nito. Mapa Simple man o bongga ang pagkaka-ayos ni Dasha, ay hindi maitatanggi na napakaswerte ni Joseph Marco dahil sa angking gandang taglay ng nobya.



Samantala, sa social media account naman ni Dasha ay makikita rin ang naging pagbabahagi nito ng polaroid pictures nila ni Joseph Marco, kung saan ay may kalakip na naman itong caption na; “so promise you’ll never change”.
Marami naman sa mga tagahanga ni Joseph Marco, ang masaya para sa bagong pag-ibig na natagpuan ng aktor, at ang hiling nnga ng marami sa mga ito ay ang patuloy lamang maging masaya ang magkasintahan at patuloy na tumagal ang kanilang pagsasama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *