Kilalanin Ang Napakagandang Unica Hija ng Komedyanteng Si Ai-Ai Delas Alas

Taong 90’s ng umusbong ang karera ni Ai-Ai Delas Alas sa industriya ng showbiz. Siya ay nakilala bilang isa sa mga all-time favorite comedian sa Pilipinas, dahil na rin sa mga nakakatuwang pelikula na kanyang ginawa.




Mapa-comedy o drama man na pelikula ay talaga namang maasahan ang galing ni Ai-ai bilang isang artsita. Matatandaan na isa sa comedy film na ginawa ni Ai-Ai na talagang pumatok sa takilya ay ang “Ang Tanging Ina MO.” Naging kabilang rin siya noon sa teleseryeng “Bituing Walang Ningning”, kung saan ay nakasama niya si Pop Princess Sarah Geronimo.

Image Credit via Google

Ngunit hindi nga lamang natin hahangaan si Ai-Ai sa pagiging isa niyang magaling na komedyante. Dahil maliban dito, ay isa ring kahanga-hanga at mapagmahal na ina sa kanyang mga anak ang actress-comedian, lalo na pagdating sa kanyang unica hija na panganay sa kanyang mga anak.

Image Credit via Google

Ang unica hiija nga na ito ni Ai-Ai ay si Sophia, na kung saan ay tila namana ng dalaga niyang anak na ito ang kanyang dedikasyon pagdating sa kanyang career.
Ngayon nga ay tila gumagawa na ng kanyang sariling pangalan si Sophia, upang makilala siya ng publiko. Nangangarap rin ang dalaga na magkaroon siya ng sarilin niyang pangalan sa local Tinseltown.

Image Credit via Google

Samantala, hindi naman mapigilan ni Ai-Ai na mag-alala para sa kanyang anak, dahil ayon sa komedyante ay ayaw umano nito na mapanghimasukan ang personal at pribado nitong buhay, ngunit ito ay hindi maiiwasan lalo na kung ikaw ay makikilala at magiging popular sa publiko.

Image Credit via Google

“She really wants to act, but she doesn’t like her privacy being invaded.” “She still needs to learn how to compromise”, ayon nga kay Ai-Ai. Tulad nga ng kanyang ina, ay makikita sa dalagang si Sophia ang taglay nitong karisma at talent, kaya naman hindi imposible na magkaroon rin ito ng sariling pangalan sa industriya ng showbiz.

Image Credit via Google

Ang ama ni Sophia, ay ang dating kinakasama at karelasyon ni Ai-Ai na kinilala bilang si Miguel Vera. Si Sophia ay nag-aral ng kanyang Senior High School sa Amerika, ngunit ngayon na siya ay kolehiyo na ay mas pinili nito na mag-aral sa Pilipinas. At ngayon nga ay nag-aaral ang dalaga sa De La Salle University.




Patungkol naman sa karerang nais pasukin ni Sophia, ay sinabi nito na nais niyang maging tulad ng kanyang ina, ang pumasok sa showbiz at maging isang sikat at popular na artista. Sa katunayan, ay nakatrabaho na si Sophia ang ina, ito ay ng mapabilang siya sa Sons of Nanay sable and Feleenial.

Leave a Reply

Your email address will not be published.