Kilalanin Ang Napakagwapong Anak Ng Aktor Na Si Jericho Rosales

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa gwapong aktor na si Jericho Rosales? isa siya sa mga tinitilian at kinakikiligan ng mga kababaihan dahil sa hindi lang siya basta gwapo kundi may angking galing at talento din sa musika at pag-arte.

Photo Credit: santino_rosales/Instagram




Ang aktor ay ikinasal sa kanyang kasintahang blogger na si Kim Jones, na kung saan ay marami sa kanilang mga tagahanga ng sinusubaybayan ang kanilang buhay mag-asawa at kung kailan sila magsisimula ang bumuo ng kanilang pamilya.

Photo Credit: santino_rosales/Instagram

Ngunit hindi batid ng marami sa atin, na ang aktor pala ay may anak sa kanyang pagka binata. Sa kanyang dating kasintahan na si Kai Palomares isang dating modelo ay nagkaroon pala ng anak na lalaki ang aktor. Hindi ito nalaman ng karamihan sa atin dahil hindi naman ito isinapubliko ni Jericho.

Photo Credit: santino_rosales/Instagram

Ang naturang anak na lalaki ng aktor na si Santino Rosales ay isa ng binata ngayon.
Ang 17-taong gulang na si Santino Rosales ay anak ng aktor na si Jericho Rosales sa kanyang dating kasintahan. Ang naturang binata ay kasing gwapo at kasing tikas ng kanyang amang aktor at masasabi nga ng sinumang makakakita sa binata na ito ay pang-artistahin din ang dating katulad ng kanyang ama.

Photo Credit: santino_rosales/Instagram

Marami nga ang nagtatanong kung mag-aartista din ba ang binatang anak na ito ni Jericho. Ngunit ayon sa binata ay wala pa sa isip niya ang pumasok sa pag-aartista at mas nais niya umano ang maging isang modelo na katulad ng kanyang ina.

Minsan na ngang pinasukan ni Santino ang pag momodelling at naging miyembro din siya ng Model Association of the Philippines. Ang kanyang ina umano ang nag-impluwensya sa kanya na pumasok sa pag modelo.

Nais din ng binata na makilala siya ng mga tao sa kung ano ang kakayahan na meron siya, at ayaw niya rin daw maikumpara sa kanyang ama kaya hindi siya nagpursige na pumasok sa pag-aartista.

Pagdating naman sa sports, ang football ang isa sa mga hilig na laro ng binata na kung saan ay naging varsity football player siya sa kanyang dating paaralan at madalas na nakikipaglaro sa Makati-based Professional Football Association.

Sa ngayon ay naninirahan si Santino sa poder ng kanyang ina, samantalang ang kanyang ama naman na si Jericho ay naninirahan kasama ang asawa nitong si Kim Jones.
Kahit pa nga hindi magkasama sa iisang bubong ang mag-amang Santino at Jericho ay maayos naman ang relasyon ng dalawa.




Madalas daw magbonding ang mag-ama, lalo na tuwing weekends na talagang naghahanap ng oras si Jericho na makabonding at makasama ang anak.
Sa ngayon ay prioridad ni Santino ang matapos ang kanyang pag-aaral at nag fofocus din siya sa pagmomodelo upang mas lalo pang maenhance ang kanyang galing at talento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *