Kilalanin Ang Napakaseksi At Napakagandang Doktor Na Anak Ni Jose Manalo

Kapag artista ka, hindi uso sa iyo ang salitang “pribadong buhay” dahil kapag artista ka, magiging laman ka ng kamera at telebisyon. Maliban rito, papasukin rin ng mga media and personal mong mga buhay. Kung sakaling balakin mong magkaroon nilang magkaroon ng “privacy” sa kanilang mga personal na buhay, andiyan pa rin ang mga paparazzi na hindi magkamayaw sa kanilang mga kamera.




Iniiwasan ng mga artista ang mga ganito para hindi maapektuhan ang kanilang pamilya lalo na ang kanilang mga anak. Katulad na lamang ng komedyanteng si Jose Manalo na kilala bilang tahimik na tungkol sa kanyang personal na buhay. Sa likod ng kanyang masiyahing mukha, alam niyo bang isa rin siyang responsableng ama?

Sa katunayan, isa sa kanyang limang anak ay doktor na! Ipinagmamalaki ng Eat Bulaga host ang kasalukuyang tagumpay ng kanyang anak na si Myki. Nagtapos si Myki sa De La Salle University-Manila ng kursong BS Psychology noong 2012. Matapos ito, nag-aral pa ulit siya ng kursong medisina sa Far Eastern University-Nicanor Reyes Medical Center Foundation Institute of Medicine. Kasalukuyang tinatahak ni Myki ang post-graduate internship niya sa Quezon City sa Delos Santos Medical Center.

Lima ang kaniyang sa kanyang dating asawang si Annaly Manalo. Naghiwalay ang dalawa noong taong 2012. Bagamat ganito ang nangyari sa kanilang pamilya nanatili pa ring responsableng ama si Jose Manalo. Hindi rin nago-open up si Jose tungkol sa kaniyang pamilya sa mga panayam niya.

Bagama’t ganito ang nangyari, hindi pa rin nakakalimutan ni Jose ang kanyang responsibilidad bilang ama. At kahit na busy sa kanyang karera ng tinatahak, sinisigurado ni Jose na maayos at nabibigyan niya ng oras ang kanyang mga anak.Patunay lamang ito na hindi hadlang ang “broken family” at trabaho para ikaw ay maging isang responsableng ama sa iyong mga anak. Kaya naman maliban sa kanyang mga nakakatawang biro ay marami rin ang humahanga kay Jose dahil sa kanyang abilidad sa buhay bilang isang ama.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *