Kilalanin Ang Napapa Balitang Girlfriend Ng Aktor Na Si Alden Richards

Noong mga nakaraang taon, sumibol ang isang tambalang hindi inaakala ng lahat: AlDub. Ito ang tambalang tinawag kina Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala bilang Yaya Dub. Nagsimula sa asaran noon sa Juan For All, All For Juan na bahagi ng Eat Bulaga!, minahal ng sambayanan ang AlDub dahilan ng biglaang pagsikat ni Maine at pagusbong ng karera sa showbiz ni Alden Richards. Hindi rin maipagkakaila ng lahat na talagang may tinataglay na karisma si Alden kung kaya’t marami na rin ang nagkakagusto sa kanya.

Photo Credit: Alden Richards/Google




At nito nga lamang ay matagumpay na inilunsad ni Alden ang pelikulang kanyang pinagbibidahan kasama si Kathryn Bernardo mula sa kabilang network na ABS-CBN. Bagama’t umuunlad na ang karera ni Alden sa showbiz, hindi rin mapigilan ng mga netizen na saliksikin ang mga netizen ang love life ng aktor. Matagal na kaming walang balita tungkol sa love life ni Alden at tila focus na focus ang aktor sa kaniyang karera.

Photo Credit: Alden Richards/Google

Pero nitong nakaraan lamang ay kumalat ang balitang nagkakamabutihan raw si Alden at ang beauty queen na si Winwyn Marquez. Naging spekulasyon ito ng mga netizen nang maimbitihan si Winwyn sa opening ng restaurant ni Alden sa Laguna. Bagama’t mabuti sana ang balitang ito, mariin naman itong tinanggi ni Winwyn at sinabing magkaibigan lang raw sila. Nagulat ng araw sa katunayan si Winwyn at hindi niya alam kung saan nanggaling ang salitang iyon.

Photo Credit: Alden Richards/Google

Wala raw halong kung ano man ang kanyang pagpunta doon. Sadyang matalik raw talaga silang magkaibigan at komportable raw sila sa isa’t-isa. Masaya naman daw si Winwyn at Alden sa kanilang buhay bilang single. Minsan, ang mga ganitong “gesture” ay hindi laging nangangahulugan ng iba. Tayo lang talaga ang nagbibigay kahulugan dito. May mga tao talagang komportable sa isa’t-isa dahil sa kanilang mga nagawa na magkasama sila at sa mga karanasan nila bilang magkaibigan. Kung sila man, aamin naman sila. Hintayin na lamang natin na nanggaling mismo sa dalawa ang konfirmasyon.

Photo Credit: Alden Richards/Google

Video Credit: YouTube




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *