Kilalanin Ang Nobyo Ng Miss Universe Philippine 2020 Na Si Rabiya Mateo

Matapos tanghaling Miss Universe Ph 2020 ni Miss Iloilo Rabiya Mateo sa katatapos lamang na Miss Universe Ph pageant, ay marami sa mga netizens, ang talaga namang nagnais na mas makilala pa at malaman pa ang personal na buhay ng bagong tanghal ng reyna.




At dahil sa naging pagsisiyasat ng ilang mga netizens na malaman ang ilang mga bagay sa personal na buhay ni Miss Universe Ph Rabiya Mateo, ay napag-alaman nga natin sa naging panayam sa kay Rabiya na ito pala ay may nobyo na, kung saan ay anim na taon na niya itong karelasyon.

Image Credit via Google

Sa naging panayam ng ani Dianne Castillejo kay Rabiya Matteo, ilang araw lamang matapos itong makoronahan bilang bagong hirang na Miss Universe Philippines, ay inamin ng dalaga na siya ay may nobyo na, at ito nga ay nagngangalang Neil Salvacion.

Image Credit via Google

Ayon nga kay Rabiya, si Neil ay ang kauna-unahan niyang nobyo, at ang kanilang relasyon ay nasa anim na taon na, dahil nobyo na niya ito mula noong college pa siya.
“We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend… We’ve been together since college.”

Image Credit via Google

Para pa nga kay Rabiya, ay napak-swerte niya sa kanyang nobyong si Neil, dahil talaga namang suportado siya nito, lalo na sa pangarap niya na maging Miss Universe Ph.

Image Credit via Google

Sa naging panayam rin na ito ni Rabiya, ay kanyang naikwento ang naging pagbitaw niya ng pangako sa nobyo, na kung palarin man siya, at masungkit niya ang korona at titulong Miss Universe Ph, ay hindi niya ito iiwan.

Image Credit via Google

“He made me promise not to leave him even if I win the Miss Universe Philippine crown.”
I have a video, stating that.” Samantala, sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Iloilo sa 24-taong gulang na beauty queen na si Rabiya Mateo, ay ibinahagi nito, na ang kanyang nobyong si Neil ay tubong Iloilo din, kung saan ay taga Sta. Barbara, Iloilo ang binata.

Image Credit via Google

Ayon pa nga kay Rabiya, ay talagang napakarami niyang ipinagpapasalamat sa nobyo niyang si Neil, at isa na nga rito ay ang walang sawang suporta na ibinibigay nito sa kanya. Naiintindihan rin umano ni Neil na ngayon ay may mga nakatalagang tungkulin sa kanya, bilang Miss Universe Ph.

Image Credit via Google

“May aral na ko migo. Hahaha. 6 years na po. “Buenas man ako sa iya. Actually proud gid siya ya noh. “Pero gina-intindi ya gid ko subong. Like the busy schedule. “Gina-intindi ya nga wala na ko masyado time para sa iya.




“Ang kailangan lang gid namon ni-remind nga even before the fame, I had him already.”
Sa naging panayam nga ng Bombo radyo Iloilo kay Rabiya, ay sinabi ng beauty queen, na para sa kanya ay lucky charm niya sa kanyang buhay ang nobyo niyang si Neil.

At kahit pa nga ba siya ay naging sikat at popular na ngayon dahil sa kanyang pagiging Miss Universe Ph, ay hindi niya umaano iiwan ang nobyo, dahil wala pa man siya sa katanyagan at kasikatan, ay kasama na niya ito sa kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *