Kilalanin Ang Non-showbiz Girlfriend Ng Dating Going Bulilit Star Na Si John Manalo

Ano nga ba ang mga bagay na dapat nating gawin upang ang pagmamahal natin sa taong ating relasyon ay mas lalo pang tumamis at tumibay. Sapat nga ba ang nararamdaman kilig at sayang nararamdaman upang masabi na ang isang relasyon ay masaya at magtatagal o may mga dapat pa tayong mga basehan ang tunay na nararamdaman.

Photo Credit: manalojohn/Instagram




“If you make your best friend and your significant other the same person, you don’t have to disconnect to go tell your girlfriend everything – Niecy Nash”
Ang dating former child actor ng Goin Bulilit na si John Manalo ay ganito ang bagong panuntunan sa kanyang buhay pagdating sa pakikipagrelasyon.

Photo Credit: manalojohn/Instagram

Mula sa pagiging isang batang aktor ay ganap na ngang binata ngayon ang dating child actor ng Goin Bulilit. At bilang isang binata ay mayroon na ding girlfriend si John, at sa mga kagaya niyang nasa isang relasyon ay may payo siya kung paanong ang samahan ay pagtibayin at kung paano dapat makitungo sa isa’t isa.

Photo Credit: manalojohn/Instagram

Sa Instagram account ng binata ay nagbahagi siya ng larawan na kung saan ay kasama niya ang kanyang girlfriend na si Erik”za Rabara, kalakip ng larawang ito ay mayroong mensahe na nais iparating si John para sa mga katulad nila ng kanyang girlfriend na nasa isang relasyon.

Photo Credit: manalojohn/Instagram

“manalo john Make your Jowa, your Bestfriend.” Ang mensahe ng kalakip ng larawan ni John kasama ang kanyang girlfriend.

Photo Credit: manalojohn/Instagram

May isang post din ang Kapuso Artist na ngayon na si John Manalo sa kanyang IG account na kung saan ay sinabi niya kung ano ang kanyang tunay na pananaw niya noon sa pagkakaroon ng kasintahan o partner na kung saan ay nagbago ang pananaw niyang ito ng makilala niya si Erika.

Photo Credit: manalojohn/Instagram

“Before I met Erika, I thought having a perfect partner requires having a lot in common, same attitudes and same hobbies. As we got to know each other, I realized that our different views and quirks makes us perfect together.”

Photo Credit: manalojohn/Instagram

Ang saad ng aktor na tungkol sa kanyang pananaw ngayon pagdating sa pakikipagrelasyon.
Sa Instagram naman ng nobya ni John na si Erika ay nagbahagi ang dalaga ng isang mensahe para sa nobyong aktor.

Photo Credit: manalojohn/Instagram

“When people tell me to look on the bright side, I look at you. Random appreciation post for this guy who’s been the bright side of everything, even and specially when it was dark. Thank you for your light.” Ang pahayag na naman ng dalaga para kay John.

Kamakailan nga lamang ay nagbahagi ang dalawa ng podcast sa kanilang Youtube Vlog Channel na kung saan ay pinag-uusapan nilang dalawa ang mga pangyayari noong una silang nagtagpo at magkakilala. Makikita nga naman sa dalawa na bagay na bagay sila sa isa’t isa kaya naman masaya ang mga tagahanga ni John dahil nakatagpo niya ang kanyang girlfriend na si Erika na nagpapasaya sa kanya.

Sa ibinigay naman na mensahe ni John na para sa mga may karelasyon ay marami ang mga netizens na nagbigay ng kani-kanilang reaksyon. “iamladycurly Sana all may Jowa, sana all mahal.” “jaicelis_ph Lovely. You’re really look good together.” “mimi jamago Sana oil di inagaw ng bestfriend ang Jowa.”




“bethfrancisco19 sana all may jowa [smiley emoji] congrats po nasa tamang taong pinili mo, ikaw na ang mr. right ni lodi @erikarabara” “2626 nine I like the caption.” Iba-iba nga naman ang basehan natin ng pakikipagrelasyon, ngunit isa lang ang pinakamahalaga sa lahat na dapat kapag nasa isang relasyon ka ay lagib kang maging tapat at isa-alang-alang ang damdamin ng isa’t-isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *