Kilalanin Ang Non-Showbiz Girlfriend Ni Jake Zyrus Na Tinanggap Ang Buo Niyang Pagkatao

Bago pa man nakilala si Jake Zyrus, ay kilala muna siya bilang si Charice Pempengco na isa sa magagaling na batang mang-aawit noon.




Matagal nga bago ang ipinakita ni Charice sa publiko kung sino at ano nga ba talaga siya, hanggang sa dumating na nga para sa kanya ang tamang pagkakataon na aminin na sa lahat ang kanyang tunay na kasarian.

Photo Credit via Google

Matapos nga ang nagawa niyang pag-amin ng tunay niyang kasarian, ilang taon lamang ang lumipas ay nagdesisyon siya na palitan na rin maging ang kanyang pangalan at buong pagkatao hanggang sa maging isa na nga siyang lalaki maging sa panlabas na anyo at kilalanin na bilang si Jake Zyrus ng publiko.

Photo Credit via Google

Marami nga ang nagulat sa pag-iibang anyo niyang ito, at maging ang kanyang pamilya a ikinagulat ito at kinasama ng loob, lalo na ng kanyang ina na si Raquel Pempengco.

Photo Credit via Google

May ilan pa nga ang nagsasabi na, sa ginawang ito ni Zyrus ay sinayang niya ang talento na ipinagkaloob sa kanya at maaari rin umano itong ikabagsak ng career na meron siya.

Photo Credit via Google

Halos lahat nga ng nakikita natin kay Jake Zyrus ngayon, ay malayong malayo na sa Charice Pempengco noon.

Photo Credit via Google

Nag-undertook siya ng chest reconstruction surgery and hormones, para maging isang tunay na lalaki. Nag palagay rin siya ng ilang mga tattoo sa kanyang mga katawan, at pinapagupitan ng maikli o “boy-cut” ang kanyang noon ay mahaba niyang buhok.

Photo Credit via Google

Maging ang pagbabago ng kanyang boses, ay nahahalata na rin ng minsang magkaroon siya ng isang interview, at kapansin-pansin na rin sa mukha nito ang ilang mga facial hair na tumutubo.

Photo Credit via Google

Marami man ang nagbigay ng kanilang mga negatibong reaksyon sa naging pagbabago niyang ito, ay may isang tao naman umano ang nagpalakas at nagbigay ng suporta kay Jake Zyrus na kung saan hanggang ngayon ay nananatili ito sa kanyang tabi bilang katuwang niya sa buhay.

Kasabay nga ng nagiging pagbabago sa katauhan ni Jake Zyrus, ay naging bukas din ito sa publiko tungkol sa karelasyon nito noon na si Allysa Quijano, na kung saan ay ilang taon rin bago ito nauwi sa hiwalayan.

Matapos nga ng malaking pagbabago sa buhay ni Jake Zyrus, ay bihira na nga itong lumabas sa telebisyon.

SA ngayon nga, sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok sa buhay ay masaya umano si Jake Zyrus sa buhay na mayroon siya ngayon kasama ang life-partner niya ngayon na si Shyre Aquino, isang registered Nutritionist at Dietician.

Hindi naman naging lihim sa publiko ang relasyon ng dalawa, dahil makikita sa kani-kanilang mga social media account kung gaano sila kaproud na ibahagi sa publiko ang pagsasama nila bilang mag karelasyon.

Ayon kay Jake, nagsimula ang relasyon nilang dalawa ni Shyre bilang isang hinahangaan at tagahanga.

“She started as a fan and I only met her in one of my shows.” “She is outgoing type of person and I described myself as an introvert.” “We both have learned to walk in each other’s shoes and manage to be the best versions of ourselves.”

Para nga kay Jake Zyrus, ay kahanga-hanga si Shyre dahil sa naging pagtanggap nito sa kanyang pagkatao at minahal siya nito sa kung ano pa man ang kasarian na meron siya.
Makikita naman sa bawat larawan ng dalawa, sa kani-kanilang social media account kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa sa kabila.




Wala nga namang pinipili ang pagmamahal, basta itoy iyong nararamdaman ay ipaglalaban mo na lamang ito hanggang sa maintindihan ng lahat na ang pagmamahal ay karapatan ng lahat mapa lalaki, babae, bakla, o tomboy man lahat tayo ay may karapatan at malayang magmahal.

May ilang mga artikulo naman ang nagsasabi, na noong November 2018 ay na-engage na sina Jake Zyrus at Shyre ngunit wala pa umanong detalye kung kailan magaganap ang upcoming union ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *