Kilalanin Ang Non-Showbiz Girlfriend Ni JC Santos Na Si Shyleena Herrera

Isa na palang ganap na ama ngayon ang theater actor at paboritong screen partner ni Bella Padilla na si JC Santos.




Si JC Santos ay isang theater at television actor na unang nakilala at sumikat ng mapabilang siya sa TV series na “Till I Met You”, kung saan ay ginampanan niya ang karakter bilang si Alejandro “Ali” Nicholas.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Ilan rin sa kanyang mga naging pelikulang tumatak sa marami ay ang “On Voodka Beers, and Regrets”, “The Day After Valentines” at ang “100 Tula Para Kay Stella”, at sa mga proyektong ito nga niya nakatambal ang napakagandang aktres na si Bella Padilla.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Nakabilang rin siya sa isa sa mga pelikula na highest-grossing entry sa MMFF, at ito ay ang “Miracle in Cell No. 7”. Sa pagpasok ng taong 2020, ay masayang ibinalita ni JC na siya ay magkakaroon na ng kanyang panganay na anak at para sa kanya ay isa itong positibong pangyayari sa kanyang buhay sa pagsalubong ng bagong taon.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Kamakailan lamang ng lumabas sa online ang ilang mga larawan ni JC Santos kasama ang non-showbiz girlfriend nito na nagngangalang Shyleena Herrera, at sa larawan ay mapapansin ang umbok na tiyan nito kung saan ay 8 months pregnant na ito ayon sa caption ni JC sa larawan.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Ayon sa ilang mga ulat, labing-anim na taon na ang lumipas ng makilala ni JC si Shyleena dahil schoolmate umano ang mga ito sa Pampanga. “Nagkita kami ulit….Pumunta ako sa isang restaurant, ‘tapos may sarili na siyang restaurant, so ayun”, ayon sa naging pahayag ng aktor.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Mapapansin naman sa Instagram ni JC na hindi ito masyadong pagbabahagi pagdating sa kanyang mga personal na buhay, ngunit matatandaan na kinumpirma nito noon na nakikipag-date siya sa isang chef.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Isa nga umanong supportive girlfriend si Shyleena sa aktor, dahil sa bawat proyekto at pelikula na ginagawa nito ay ipinapakita at pinaparamdam nito ang full-support niya para rito.




Matatandaan na naging karelasyon din noon ni JC Santos ang stage actress na si Teetin Villanueva, ngunit naghiwalay ang mga ito matapos ang apat na taong relasyon dahil na rin sa kakulangan sa oras sa isa’t-isa dahil hectic schedule sa kanilang mga trabaho.

Sa ngayon, masaya si JC Santos sa kanyang buhay kasama ang kanyang partner in life na si Shyleena. At mas lalo pa ngang nagpasaya sa kanilang pagsasama ang pagdating ng kanilang baby, na siguradong magiging source of happiness nilang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *