Kilalanin Ang Non-Showbiz Girlfriend Ni Robi Domingo

Sa buhay ng isang artista ay hindi madali ang pumasok sa isang relasyon dahil na rin sa uri ng trabaho na meron sila at dahil rin ang mundo ng showbiz ay napapalibutan ng tukso at mga intriga. Marami na tayong mga kilalang showbiz couple ang hindi nagtagal ang mga relasyon at meron ding mga nagtagal ngunit nauwi rin sa hiwalayan.

Image Credit via Google




Kaya’t kapag parehong artista ang nasa isang relasyon ay marami kaagad ang nakapag-iisip na ang relasyon ng mga ito ay hindi magtatagal dahil nga sa uri ng kanilang trabaho na laging busy at hindi mabibigyan ng oras ang relasyon sabayan pa ng tukso na mga nakapalibot sa loob ng industriya.

Image Credit via Google

Isa na ang mga dahilan ito kaya may mga ibang artista ang mas pinipili pa na ang kanilang naging kasintahan ay hindi isang artista o wala sa industriya na kanyang ginagalawan upang ang relasyon na meron sila ay mas maging pribado.

Image Credit via Google

Ilan din sa mga artistang may mga kasintahan na non-showbiz ay mas pinipili na hindi isapubliko ang kanilang relasyon sa dahilan mas magiging maayos at pribado ito at upang proteksyunan rin ang kanilang mga kasintahan sa mga intriga.

Isa ang PBB Host na si Robi Domingo na lingid sa kaalaman ng madla at publiko na ang kilalang host ay nasa isang relasyon at may non-showbiz girlfriend na nagngangalang Miqui Pineda. Nitong nakaraan lamang ay nagbaksyon si Robi sa New York, Amerika kung saan ay kasama niya ang kanyang kasintahan si Maiqui at ito ang naging tour guide niya sapagkat ito ay naninirahan sa Amerika ng ilang buwan.

Sa kanyang social media account ay ibinahagi ni Robi ang mga larawan nila ng kanyang kasintahan si Maiqui na kuha sa mga lugar na pinuntahan nila sa kanilang naging pamamasyal sa New York. Sa mga ibinahagi ng larawan ng nasabing host ay makikita ang sweetness at saya nilang dalawa ng kanyang kasintahan habang nag eenjoy sa pamamasyal.

Matatandaan naman na taong 2017 ng ianunsyo ni Robi ang kanilang hiwalayan ng dati niyang nobya na si Gretchen Ho. Taong 2018 naman buwan ng Agosto ng aminin ng nasabing host na siya ay nasa isang relasyon at may bago ng kasintahan.

Nakakamangha naman sapagkat kahit na busy sa kanyang trabaho bilang host si Robi ay nabibigyan niya ng panahon na makasama sa isang bakasyon ang kanyang kasintahan at hindi niya nakakalimutan na maglaan ng oras at panahon na makasama ito na kung saan ay isa ito sa nagpapatatag ng isang relasyon ang oras at panahon na nailalaan sa isa’t isa.




Sa kabila din ng pagiging pribado at pananahimik ni Robi pagdating sa kanyang lovelife ay nakakabilib na makita na ang relasyon na mayroon sila ngayon ng kanyang kasintahan ay nananatili pa ring matatag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *