Kilalanin Ang Older Sister Ni Andrea Brillantes Na “Artistahin” Rin Ang Taglay Nitong Ganda

Maganda, matalino, fashionista, magaling na artista yan ang hinahangaan ng marami sa 15-taong gulang teen actress na si Andrea Brillantes. Si Andrea Brillantes, ay mas naging popular sa showbiz industry, ng siya ay bumida sa hit series ng ABS-CBN na “Kadena Ng Ginto”, kung saan ay ginampanan niya ang karakter bilang Margarette Mondragon.



Itinuturing rin si Andrea, na isa sa mga pinaka-magagaling na teen star ng kanyang henerasyon, ito ay dahil sa kabila ng kanyang murang edad, ay talaga namang napatunayan niya na kayang-kaya niyang makipagsabayan ng galing sa pag-arte sa mga aktres na mas angat sa kanya ang edad.
Photo Credit: aangorostiza/Instagram
Samantala, alam niyo ba na si Andrea Brillantes ay mayroong older sister na kasing ganda niya? Kung saan ay talaga namang masasabi ng marami na tila nasa dugo na nila Andrea, ang pagiging “artistahin”.
Photo Credit: aangorostiza/Instagram
Ang older sister ni Andrea, ay kilala bilang si Kayla Aan Gorostiza, isa ring magandang dalaga na hindi naman nalalayo ang agwat sa edad ng kanyang nakababatang kapatid na si Andrea.
Photo Credit: blythe/Instagram
Makikita sa mga larawan ng magkapatid na Andrea at Kayla ang pagiging malapit nila sa isa’t isa, kung saan ay talaga namang very close sila. Ilan nga umano sa mga hilig nilang gawin magkapatid at nagiging bonding moment nila ay ang pagpunta sa mga music festival, mag-fangirling o di kaya naman ay mag twinning.
Photo Credit: aangorostiza/Instagram
Paminsan-minsan ay napagkakamalan pa ngang kambal ang dalawa, dahil tulad ni Andrea, ay taglay rin ni Kayla Aan ang pagkakaroon ng makapal na kilay.
Photo Credit: aangorostiza/Instagram
Hindi nga katakataka, na napagkamalang kambal ang dalawa, ito ay dahil sa marami talaga silang pagkakapareho,lalo na pagdating sa kanilang pisikal na anyo, tulad ng hugis ng mukha, ilong at maging sa pag-ngiti.
Photo Credit: aangorostiza/Instagram



Mapapansin naman na tila nakuha ni Andrea ang pagiging fashionista siya sa kanyang older sister na si Kayla. Makikita nga sa ilang mga larawan ni Kayla Aan sa kanyang Instagram ang kanyang mga simple ngunit nakakamanghang mga outfit-of-the-day o OOTD.
Ano ang masasabi niyo sa older sister ni Andrea Brillantes? Tingin niyo ba maarari rin niyang pasukin ang showbiz in the future?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *