Kilalanin Ang Panganay Na Anak Ng Aktres Na Si Angel Aquino

Ipinanganak noong February 7, 1973 si Angelita Velasquez – Aquino o mas kilala ng lahat bilang ang aktres na si Angel Aquino. Ang nasabing aktres ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Baguio sa kursong Bachelor of Arts in Journalism. Bago pa naging isang kilalang aktres sa telebisyon ay una unang naging fashion model at host si Angel.

Photo Credit: ianabernardez/Instagram




Isa sa mga pelikula na ginawa niya nitong nakaraang taon lamang ay ang “Glorious”, kung saan ay katambal niya ang aktor na si Tony Labrusca. Kabilang din ang aktres ngayon sa primetime series ng Kapamilya Network na “Ang Probinsyano” na gabi-gabi ay napapanood nating lahat.

Photo Credit: ianabernardez/Instagram

Ngunit alam niyo ba na maliban sa pagiging isang magaling na aktres, ay isang mabuti at mapagmahal si Angel Aquino sa kanyang dalawang anak na babae na sina Iana at Thea Bernardez. Ang panganay sa mga ito ay si Iana na talaga namang hindi maipagkakaila ang pagkakahawig sa ina nito, lalo na kung ito’y ngumingiti.

Photo Credit: ianabernardez/Instagram

Una ng ipinakilala ni Angel Aquino ang kanyang mga anak ng minsang sila ay maging guest sa talk show na “Magandang Buhay” noong taong 2016. Sa panayam din noon sa kanila ay ibinahagi ng aktres ang mga pinagdaanan niya bilang isang single mother ng kanyang dalawang anak at kung gaano nga talaga kalalim ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak.

Photo Credit: ianabernardez/Instagram

Ang panganay na anak ni Angel Aquino na si Iana Bernardez ay 25-taong gulang na, noon pa man ay nais na ng dalaga na sundan ang yapak ng kanyang Ina bilang isang aktres sa showbiz industry, ngunit bago niya umano gawin ito ay kailangan niya muna tapusin ang kanyang pag-aaral.

Photo Credit: ianabernardez/Instagram

Nagtapos si Iana ng kanyang pag-aaral ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University sa kursong Psychology.

Photo Credit: ianabernardez/Instagram

Katulad ng kanyang Ina ay may angking appeal din si Iana. Makikita rin sa kanyang Instagram na ang dalaga ay mahilig sa mga adventures dahil sa ilang mga larawan niya na siya ay nag ma-mountain climbing at nagse-surfing.

Base naman sa isang artikulo na nakasulat sa Inquirer kumatok ang isang oportunidad sa dalaga, ng ioffer sa kanya na magkaroon ng lead role sa pelikulang “Gusto Kita With All My Hypothalamus” ni Dwein Baltazar. Ito ay isang independent film na eentry sa Cine Filipino Fest.

Dahil nga baguhan sa industriya, nag-audition si Iana para sa magiging role niya dito at hindi naman siya nabigo dahil kinuha niya ang pagiging lead role. Samantala ngayon ay nagtatrabaho ang dalaga bilang event producer, ayon ito sa LinkedIn account.




Sa kabilang banda naman ang kanyang ina na si Angel Aquino ay nanatili pa ring aktres ng industriya, at isa pa rin sa mga kilala bilang may magandang mukha sa industriya dahil sa edad niya na 45- taong gulang ay talaga namang napakabata pa rin nito kung titignan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *