Kilalanin Ang Pinakabatang Alkalde At Nobyo Ng Isang Artista Na Si Pauline Mendoza

Sa naging pangyayari at sitwasyon ngayon ng ating bansa, marami sa mga naglilingkod natin sa gobyerno ang mas naging aktibo sa kanilang mga tungkulin bilang public servant.




Halos marami ang nag silabasan ang pangalan ng mga mayor, kung saan ay hinangaan ang mga ito dahil sa paggawa nila ng kanilang tungkulin at hindi nila pagpapabaya sa kanilang nasasakupan sa gitna ng krisis na nangyayari ngayon.

Photo Credit: paulinemendoza_/Instagram

Isa sa mga pangalang nagbigay ingay sa social media, ay si Mayor Bryan Celeste ng Alaminos, Pangasinan. Ayon sa naging ulat, si Mayor Arth Bryan C. Celeste ang pinakabatang alkalde sa buong Pilipinas.

Photo Credit: paulinemendoza_/Instagram

Siya ay 22-taong gulang lamang ng manalo siya bilang alkalde ng Alaminos City, Pangasinan. Ipinanganak siya noong June 5, 1996 at ang kanyang ama na si Arthur Celeste ay dating mayor din ng Alaminos.

Photo Credit: paulinemendoza_/Instagram

Si Mayor Bryan ay nakapagtapos ng kanyang kolehiyo sa De La Salle University-Manila, sa kursong BS Entrepreneurship.Una siyang sumabak sa politika ng siya ay manalo bilang Barangay Captain ng Barangay Magsaysay sa Alaminos.

Photo Credit: paulinemendoza_/Instagram

Ngunit sinong mag-aakala na ang batang mayor palang ito, ay may nobyang artista?
Kamakailan lamang, ay inamin ng isang kilalang teen actress na siya ay nobya ni Mayor Bryan Celeste.

Photo Credit: paulinemendoza_/Instagram

Boyfriend pala ng kapuso teen actress na si Pauline Mendoza, nanapapanood natin noon sa seryeng “Kambal, Karibal” ang pinakabatang Mayor na si Bryan.

Photo Credit: paulinemendoza_/Instagram

Sa Instagram post ng aktres, ay ibinahagi ni Pauline kung gaano siya kaproud sa nobyo niyang alkalde, at kalakip ng post niya ay ang larawan nila ni Mayor Bryan.
“Proud of this guy right here! @mayorbry”

Photo Credit: paulinemendoza_/Instagram

Ibinahagi naman ni Pauline sa isa niyang interview, na silang dalawa ni Mayor Bryan ay nagkakilala sa isang event ng kanyang iiendorsong produkto. Sa ngayon, ay long distance ang relasyon ng dalawa sapagkat ang aktres ay naninirahan sa Marikina samantalang si Mayor Bryan naman ay naninirahan sa Pangasinan.




Sinabi naman ni Pauline, na kahit pa long distance ang relasyon nila ay nagwowork-out naman ito sa kanilang dalawa. Hindi naman napigilan ng ilang mga tagahanga ng dalawa ang kiligin, at ang iba pa nga ay nagsabi na bagay na bagay sila.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga kinilig sa dalawa; “Kasweet naman yorme at mam Pauline” “Mayor namin yan ah…the best yorme” “I’m so proud of you both Stay Strong…”
“Good for Pauline Mendoza. Congrats and wishes for her happiness throughout her life.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *