Kilalanin Ang Pinoy Na Nakapag Pag Ibig Ng Isang Napakagandang Lithuanan

Halos lahat tayo ay nangangarap na matatagpuan ang taong pinakamamahal kita, at ipaparamdam sa atin ang pagmamahal na walang katapusan at kapaguran. Isang tao na handang tanggapin ang lahat-lahat sa ating pagkatao, at taong nanaisin tayong makasama habang siya ay nabubuhay.



Ngunit hindi lahat sa atin ay maswerteng matatagpuan agad ang ganyang klase ng pag-ibig, ang iba ay ilang beses munang nabibigo at ang iba naman ay agad-agad itong matatagpuan.
Image Credit via Google
Tulad na lamang ng kwento ng magkasintahan ito na ating matutunghayan, na talaga namang nakakakilig dahil napaka-exceptional ng kanilang kwento ng pag-ibig.
Image Credit via Google
Si Eugene Galang ay isang binatang Pinoy, na na-depressed at nawalan na ng pag-asang magmahal ulit dahil sa ilang beses na siyang nabigo at binasted ng kanyang mga nililigawan.
Image Credit via Google
Ayon sa binata, ay lagi na lamang siya umuwi luhan sa tuwing siya ay may nililigawan, hanggang sa mayroong isang gabi na sobrang depressed siya at umiiyak, naghahanap siya ng makakausap ay doon niya naka-usap sa Instagram ang magandang dilag na may lahing Lithuanian na si Vikachcka Chaya Radaviciute.
Image Credit via Google
Ang minsang naging pag-uusap ng bilang iyon ay naulit pa, hanggang sa lage na sila ang kausap sa video calls, na naging araw-araw pa nga. Hanggang sa hindi na nga namalayan ng dalawa na nahulog na ang loob nila sa isa’t isa.
Image Credit via Google
Sa kanilang YouTube account ay ibinahagi nina Eugene at Vika, ang kanilang naging unang pagtatagpo, matapos ang isang taong LDR nila.
Image Credit via Google
Marami naman sa mga nakapanood ng video ng dalawa ang nagbigay suporta at kinilig sa kanilang love story, ngunit hindi talaga maiwasan na may ilan din na inakusahan si Eugene nap era lamang ang habol nito sa naturang dalaga.
Image Credit via Google
Ngunit pinatunayan ni Vika, kung gaano kabuti ang intension ni Eugene sa kanya. Ayon sa dalaga, sa tuwing bibisitahin niya sa Pilipinas ang nobyo,ay hindi siya pinapabayaan nito at alagang-alaga siya. Hindi rin siya hinahayaan ni Eugene na siya ang gagastos sa tuwing lalabas o mamasyal sila.
Maging ang pamilya ni Eugene ay maayos ang pakikisama kay Vika at ramdam umano ng dalaga kung gaano siya ka-welcome sa pamilya ng nobyo.
Matapos ngang bumalik ni Vika sa kanyang bansa sa Europa, ay nagdesisyon ito na agad na bumalik sa Pilipinas kung saan ay dito na siya namamalagi at naninirahan kasama ang kanyang nobyo na Pinoy na si Eugene at ang pamilya nito.



Sa ngayon ay tatlong taon ng magkarelasyon ang dalawa, at ang kanilang ika-3 anibersaryo nga ay ibinahahagi nila sa kanilang Youtube channel kung anong selebrasyon ang kanilang ginawa.
Makikita nga kay Eugene at Vika kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa, sa kabila ng pagkaka-iba nila ng lahi. Abala naman ang dalawa ngayon sa kanilang Youtube Channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *