Kilalanin Ang Sexy Actress Na Ultimate Crush ni Piolo Pascual Sa Showbiz

Sino ba naman ang hindi kikiligin sa isang Piolo Pascual? Ang isa sa sa mga pinaka-magagaling at gwapong aktor na kinakikiligan ng marami noon maging hanggang sa ngayon.




Ang kanilang angking talento sa pagiging isang magaling na aktor ay ilang beses na ring napatunayan ni Piolo, ito ay ng maging blockbuster ang ilang mga proyekto na pinagbibidahan niya sa telebisyon man ito o sa mga sinehan.

Image Credit via Google

Taglay din ng aktor ang galing sa pag-awit na nakakadagdag sa kanyang pagiging Pogi, at ilang albums na din ang kanyang nagawa na tinangkilik ng marami niyang mga tagahanga.
Kaya hindi naman naging katakataka kung ilang mga kapwa artista ni Piolo ang nahumaling sa kanya at kanyang naging karelasyon.

Image Credit via Google

Ilan sa mga pinangalanang celebrity women na naging karelasyon noon ng aktor ay sina Pops Fernandez, dating aktres na si Rica Peralejo at Kc Concepcion.

Image Credit via Google

Umugong din ang balita na ang huling artista na kanyang nakarelasyon ay si Shaina Magdayao. Naging usap-usapan ang dalawa ng sila ay sweet na sweet na nagsayaw sa isang ball na ginanap noong October 2016.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Ngunit marami sa atin ang hindi nakaka-alam, na may isang aktres na hinahangaan ang aktor noon pa mang bata-bata pa siya.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Ayon sa 42-taong gulang na aktor, ay may isang ultimate crush siya sa showbiz, ngunit hindi agad ito paniniwala ng ilan niyang mga tagahanga.

Ngunit ayon pa rin sa aktor, noon pa man sa kanyang college days ay nabighani na agad siya sa aktres na ito.

Ilang taon na rin ang lumipas, sa isang Panayam sa aktor ni Boy Abunda ng aminin nito na nabighani siya sa ganda ng aktres na si Ina Raymundo. Ibinahagi pa ng aktor kung paano niya ang nasilayan ang likas na ganda ni Ina Raymundo.

Ayon kay Piolo, magka-schoolmate sila ni Ina Raymundo noong sila ay nasa kolehiyo. Pareho silang kumukuha ng kursong AB General Education sa Unibersidad ng Sto. Tomas.

Inamin din ng aktor, na noon pa man ay na-attract na siya kay Ina Raymundo, na isang taon na naman ang tanda sa kanya. Ini-stalk pa niya umano ito sa loob ng campus nila.

Maraming netizens naman ang nakarelate sa pahayag na ito ng aktor, dahil marami nga naman sa atin ang naranasan sa ating kabataan ang humanga sa isang tao at tignan siya mula sa malayo dahil sa nahihiya tayo na lapitan ito.

Kahit pa nga ba, crush na crush niya noon si Ina Raymundo ay hindi man lang gumawa ng hakbang ang aktor na gumawa ng first move para maligawan ito o mapansin man lang na may gusto siya dito.

Ayon sa aktor, wala siyang lakas ng loob at kumpyansa noon sa kanyang sarili para lapitan ang nasabing aktres kaya naman tinatanaw na lamang niya ito sa malayo.

“Ini-istalk ko siya, hindi naman yung stalk na masama”, saad niya habang nakangiti. “Hinahabol ko siya, kasi ahead siya sa akin ng one year sa AB.”

Ibinahagi rin ng aktor, na kaya wala siyang lakas ng loob na lapitan si Ina noon ay dahil sa kanyang itsura noon na payat pa siya kaya marahil hindi siya mapapansin nito.

“Mahiyain ako, so sinusundan ko lang. Ang payat ko pa nun so hindi niya ako papansinin.”.
Sa isang dating video clip naman sa social media account ng aktor ay makikita na hindi pa rin nawawala ang paghanga nito kay Ina Raymundo.




Talaga namang hindi natin masisisi si Piolo kung bakit, dahil isa nga naman ang 44-taong gulang na si Ina Raymundo sa mga aktres na sa kabila ng pagiging isang mommy sa kanyang mga anak ay napanatili nito ang kasexyhan ng kanyang katawan kaya napaka-hot pa rin nitong tignan.

Sa pag-amin naman na ito ni Piolo, ay tila kinilig naman ang aktres na si Ina Raymundo at nagawa pa nga magpost ng aktres sa kanyang instagram na dahil sa pag amin ng aktor ay muntik na niyang makalimutan na kasal na pala siya at may asawa na.
Ano ang masasabi niyo sa naging rebelasyon ng aktor sa kung sino ang kanyang ultimate crush sa showbiz?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *