Kilalanin Si Ella Cristofani Ang Filipino-Italian Beauty Na Isa Sa Mga Bagong Kapuso Kontrabida Ngayon

Maraming mga bagong artista ngayon ay nakikilala sa mundo ng showbiz, at isa na sa mga ito ay ang pinakabagong mukha sa GMA network na si Daniela Cristofani o mas kilala ngayon sa screen name niyang Ella Cristofani. Sino nga ba si Ella Cristofani? At paano siya nagsimula sa mundo ng showbiz?




Si Ella Cristofani ay nagsimulang makilala ng publiko noong taong 2019, matapos niyang sumali sa StarStruck Season 7. Ang naging pagsali niyang ito sa nasabing talent search show ng GMA network ay naging daan upang magbukas ang oportunidad sa kanya na mapabilang sa ilang mga programa at serye ng nasabing network, kung saan ay ginampanan niya ang ilang mga minor roles.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Sa kasalukuyan ay napapanood natin si Ella Cristofani sa GMA afternoon prime series na ‘Raising Mamay’, kung saan ay kanyang ginagampanan ang karakter ang bully na si Kelly. Sa nasabing serye nga ay isa siyang spoiled brat teenager na palagi ngang gumagawa ng paraan upang makuha niya ang attention ni Sylvia (Valerie Concepcion) sa anak nitong si Abigail (Shayne Sava), kahit na nga hindi naman siya kapamilya ni Sylvia.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Dahil nga sa personalidad ng karakter na ginagampanan ni Ella sa nasabing serye ay marami ang talaga namang naiinis sa kanya, ngunit kung ang pagbabasehan ay ang personalidad na mayroon si Ella sa tunay na buhay ay siya nga ay nagtataglay ng mabuting puso at napakagandang pag-uugali. Ayon pa nga sa ulat, sa likod ng kamera ay magkasundo sina Ella at ang aktres na si Shayne Sava.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Samantala, kung titignan naman ang mga larawan ni Ella sa kanyang Instagram account, ay masisilayan nga natin ang kanyang kamangha-manghang taglay na kagandahan.
Isa rin nga sa ma inaabangan ng mga tagasubaybay ng Kapuso actress sa kanyang Instagram ay ang mga OOTD nito.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Mapapansin din kay Ella na hindi ito takot nap ag-eksperimentohan ang kanyang istilo sa pag-aayos ng kanyang mukha at buhok dahil sa ilang mga larawan nito ay makikita ang kanyang rendy “face-framing highlights” hair color. Para naman sa kaalaman ng marami, ang taglay na kagandahan ni Ella ay pinaghalo, sapagkat siya nga ay may dugong Filipino at Italian, sapagkat ang kanyang ina ay isang Pinay at Italyano naman ang kanyang ama.




Sa kasalukuyan ay patuloy ngang ipinapamalas ni Ella sa lahat ang kanyang angking husay sa pag-arte, at sa nakikita nga natin na kanyang galing at angking karisma ay tila nga hindi imposible na isa siya sa mga aktres sa showbiz na mas gaganda pa ang karera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *