Kilalanin Ang Si Maxine Gutierrez Ang Anak Ni Ramon Christopher Gutierrez At Lotlot De Leon

Si Janine Marie Elizabeth Olson Gutierrez o mas kilala ng publiko bilang ang aktres na si Janine Gutierrez, ay isa sa mga naggagandahang dilag sa showbiz ngayon. Ang kanyang mga magulang ay pareho ring kilala sa mundo ng showbiz, at ito ay sina Lotlot De Leon at Ramon Christopher Gutierrez.



Hindi nga maikakaila na ang lahing pinagmulan ni Janine ay magaganda at gwapo dahil sa itsura ng kanyang mga magulang.
Photo Credit: lmjdgutierrez/Instagram
Mayroon namang mga kapatid si Janine Gutierrez sa kanyang mga magulang, at ito ay sina Diego, Jessica at Maxine, kung saan halos lahat sila ay may mala-artistahing mga mukha.
Photo Credit: lmjdgutierrez/Instagram
Samantala, ang bunsong kapatid ni Janine na si Maxine Gutierrez ay malaki ang pagkakahawig sa aktres, kaya naman madalas silang mapagkamalan na magkakambal. Minsan pa nga ay napagkakamalan rin si Maxine na doppelganger ni Janine.
Dahil sa halos magkasing tangkad at magkasing katawan lang sina Janine at Maxine, ay talaga namang napagkakamalan talaga silang kambal.
Photo Credit: lmjdgutierrez/Instagram
Kung si Janine Gutierrez, ay kilala sa telebisyon bilang isang magaling na aktres, ang kanyang kapatid naman na si Maxine, ay unti-unti ng kilala ngayon sa social media.
Photo Credit: lmjdgutierrez/Instagram
Marami ang napahanga ni Maxine sa kanyang mga larawan sa social media, dahil kahit wala itong make-up ay taglay nito ang natural na ganda na talaga namang stand-out.
Makikita naman sa mga larawan nina Maxine at Janine, na malapit sila sa isa’t isa at madalas siyang mag bonding dalawa.
Si Maxine Gutierrez, ay 20-taong gulang na, at noon ngang ika-25 ng Abril 2020 ay nagtapos na ito ng high school at ganap ng isang kolehiyo sa darating na pasukan.
Photo Credit: lmjdgutierrez/Instagram
Tulad ng kanyang ate Janine, ay mahilig rin si Maxine na mag-travel at mamasyal sa iba’t iabng magagandang lugar. Mahilig rin ang naturang dalaga sa mga aso, kaya naman ilan sa kanyang mga larawan sa kanyang social media, ay lagi niyang kasama ang kanyang alagang aso.



Hindi nga lamang magkahawig sina Janine at Maxine sa mukha, dahil magaling sa ibang hilig ay pareho rin ang dalawa.
Sa angking ganda naman ni Maxine, ay masasabi natin na halimbawa ng kaisipan nito na maging isang aktres tulad ng kanyang ate, ay hindi imposible na sumikat rin ito dahil na dugo na ng mga Gutierrez ang pagiging isang mahusay na mga aktres at aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *