Kilalanin Ang Talentadong Anak Ng Beteranong Aktor Na Si Jestoni Alarcon

Isa sa mga mahuhusay at gwapong aktor na nakilala at sumikat sa mundo ng showbiz ay si Anthony Jesus Alarcon o mas kilala nga ng marami sa atin sa kanyang screen name na si Jestoni Alarcon. Dahil sa kanyang ipinamalas na husay, mapadrama, comedy o action movie man ay talaga namang bumuhos ang napakaraming mga proyekto para kay Jestoni, dahilan upang umusbong pa lalo ang kanyang karera sa showbiz.




Hindi nga lamang sa pagiging isang aktor ngayon kilala si Jestoni, dahil maliban sa kanyang karera sa mundo ng showbiz ay pinasok na din niya ang pagpupulitika, kung saan lumaban at nagwagi siya noong 2019 election kaya naman ngayon ay nakaupo siya bilang board member ng 1st Dstrict ng Rizal.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram

Ngunit maliban sa kanyang pagiging isang aktor at politician, ay isa ring asawa at ama si Jestoni. Siya ay ikinasal sa kanyang maybahay na si Lizette Alarcon at sila ngang mag-asawa ay nabiyayaan ng tatlong mga anak na talaga namang namana ang taglay na kagandahan at kagwapuhan nilang mag-asawa.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram

Samantala, isa nga sa tatlong anak ni Jestoni ang bukod sa namana ang kanyang magandang katangian ay sumunod na rin ngayon sa kanyang yapak at pinasok na nga ang mundo ng showbiz, ito ay ang kanyang napakagandang anak na si Angela Alarcon na ngayon nga ay isa sa mga ipinagmamalaking aktres ng Kapuso network.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram

Hinahangaan naman ang magandang samahan na mayroon ang mag-amang Jestoni at Angela, lalo at kitang-kita ang pagiging malapit nila sa isa’t isa, masasabi rin na tila isang Daddy’s girl ang dalaga.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram

Madalas ngang nagba-bonding si Jestoni at ang kanyang anak na si Angela, kung saan isa sa mga bonding moments nila ay ang paborito nilang sports at ito nga ay ang Korean martial arts na Taekwondo. Nakakabilib naman talaga dahil alam niyo bang black belter holder si Angela sa larong ito.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram

Hindi nga lamang ang taglay na kagandahan ang maipagmamalaki ng anak ng aktor na si Angela, dahil ‘beauty and brain’ ang dalaga, at ang magpapatunay nito ay ang pagiging Cum Laude niya ng makapagtapos siya ng kursong Speech Communication sa University of the Philippines – Diliman. At nang matapos na nga ni Angela ang kanyang pag-aaral ay doon na siya nagsimula na pasukin ang mundo ng showbiz.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram

Matatandaan naman na isang panayam noon kay Jestoni, ay pinasalamatan niya ang anak niyang si Angela dahil sa bago ito pumasok sa pag-aartista ay tinapos muna nito ang pag-aaral.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram

“Timing naman na after graduation nakuha siya ng GMA Artist Center, so very thankful kami sa GMA na makakapag-concentrate na siya”, ani Jestoni.




Maliban sa pagiging isang aktres ay isa na ring modelo ngayon si Angela, ngunit ayon sa kanya kung hindi siya naging isang artista marahil ay nasa media industry siya.
“Maybe I’d be a host or a news anchor. I’ve always wanted to be in front of camera”, pagbabahagi ni Angela.

Si Angela Alarcon ay unang nasilayan sa action drama series na Beautiful Justice kung saan talagang ipinalamas niya ang kanyang husay sa pag-arte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *