Kilalanin Ang Totoong Herlene Budol O Mas Kilala Sa Tawag Na “Hipon Girl” Ng Wowowin

Marahil ay marami na sa atin ang nakakakilala ngayon kay Herlene Budol o mas kilala nga sa bansag sa kanya bilang si “Hipon Girl” ng programang Wowowin sa GMA-7.




Unang nasilayan ng maraming mga manonood sa telebisyon si Herlene ng siya ay maging isa sa mga kalahok ng programang Wowowin ng maghanap ito ng mga contestant na bikini open winner para sa segment nitong “Willie of Fortune”.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Dahil sa umabot ng milyon-milyon ang naging views ni Herlene sa Wowowin, ay naging trending siya, at ito na rin ang naging daan niya upang mapabilang na maging isa sa mga co-host ni Willie Revillame sa programa nito.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Si Herlene Budol, ay mula sa Angono, Rizal, kung saan ayon sa kanya sa lugar nila ay ‘hipon’ na talaga ang tawag sa kanya ng kanyang mga kakilala, ito nga ay dahil sa pagkakaroon niya ng magandang katawan, ngunit ang kanyang mukha ay hindi umano kagandahan.
Madalas ngang biro ni Herlene, mas maganda siya kapag siya’y nakatalikod.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Samantala, lumaki si Herlene na hiwalay ang kanyang mga magulang, kaya naman siya’y laking lolo at lola. Madalas siya noon sumali sa mga beauty contest, dahil bata pa lamang nga ay makikita na ang kanyang pagiging #DalagangFilipina.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Taong 2017 ng siya’y nagwagi at kinoronahan bilang Binibining Angono ng Sining.
Noon pa man ay raketera na rin ang ating kinikilalang si ‘Hipon Girl’, kung saan ilan sa mga trabahong kanyang pinasok, upang kumita ng pera at makatulong sa pamilya ay ang pagiging modelo, muse at band ambassadress.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Nagtrabaho rin siya noon sa Mayor’s Office ng Angono, Rizal bilang front desk.
Mapapansin naman sa mga larawan ni Herlene, ay masasabi natin na ang dalagang mula sa Angono, Rizal ay may sariling taglay na kagandahan. At mukha namang hindi ito nalalayo sa iba pang mga Kapuso actress, tulad nina Janine Gutierrez, Yana Asistio at Gabbi Garcia.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Ilang mga gwapong aktor na rin ang noon pa man ay na-meet na ni Herlene ng personal, tulad nga nina Ruru Madrid at Andre Paras, na nakapag-pa picture pa siya.
Sa ibang mga larawan pa ni Herlene ay talaga namang masasabi natin na napaka-sexy niya talaga.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Ayon naman sa kanya, ang motto niya ay, “What you see is what you get.”
Aniya, “Kapag tinitignan kita, akin ka na ba?”

Maliban sa pagiging isang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin, ay naging recording artist din si ‘Sexy Hipon’, kung saan noon nang inilabas ang kanyang unang single na “Talikodgenic Man Ako”, ay naging bongga ang pagtanggap dito.

Tunay ngang certified Kapuso si Herlene, dahil minsan na rin natin siyang napanood sa ilang Kapuso series tulad nga ng ‘Madrasta’, ‘Daddy’s Girl’ at ‘Magpakailanman’.




Kahit naman umunlad na ang buhay ngayon ni ‘Sexy Hipon’, ay nanatili pa rin ang kanyang pagka-squamy. At sa kabila ng kanyang tinatamasang kasikatan at tagumpay sa showbiz, ay nais pa rin niyang magkaroon ng edukasyon, at matapos ang kanyang pag-aaral.

Hanggang ngayon nga ay patuloy pa rin nating napapanood si Herlene sa programang ‘Wowowin’, kung saan una siyang lumabas sa ‘Wowowin Primetime’ noong ika-29 ng Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *