Kilalanin Ang Ultimate Crush Sa Showbiz Ng Aktor Na Si Alden Richards

Noong buwan ng Pebrero ay nakatrabaho ng Kapuso actor na si Alden Richard ang magandang actres ng Kapamilya Network na si Bea Alonzo sa Bangkok para sa TVC, kung saan ay dito nakita ng nasabing aktor ang husay ng aktres pakikisama hindi lang sa kanya, kundi maging sa buong team nito.




“When we first met, that was few years ago, sa birthday ng stylist naming, mabait na siya e. She’s very warn”, ang naging paglalarawan ni Alden kay Bea.
“But when we worked together sa Bangkok for a TVC, masarap siya kausap”, dagdag pa nga nito.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

Sa naging panayam ng PEP.Ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alden noong ika-21 ng Nobyembre 2020 sa Sandwich Session ng Summit Media, ay dito na nga nito inihayag ang kanyang pagkabilib sa ganda ng pakikisama ni Bea sa kanya at sa buong team niya.
“Sobrang mahal na mahal niya yung team ko for some reason kahit bagong kilala pa lang nila”, lahad ng binatang aktor.

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

“Kasi big deal sa akin yun kung mas favorite mo yung team ko more than me.”
“I’ve been with my team for ten years na rin, so they’re really family, kahit hindi sila kadugo.”

Photo Credit: aldenrichards02/Instagram

Kwento pa ng Kapuso actor, sa kabila ng pagiging isang A-lister celebrity ni Bea Alonzo ay nakita niya kung gaano ito kasimple at hindi isang mapagmataas na tao.
“I really appreciate that na si Bea, regardless of how many blockbuster films she has done, how many awards she’s got, how successful she is now, ano pa rin siya, human pa rin siya.”

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Samantala, sa naging panayam din kay Alden ay sinabi nito na may posibilidad na magkasama sila ni Bea Alonzo sa isang pelikula, at ito nga ay napag-uusapan na baka pagtambalan nila.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Ngunit inamin rin ng aktor, na hindi niya pa masasabi kung anong film company ang magpoprodyus ng pelikula nila, sakaling magtambal sila ni Bea Alonzo.
“There have been talks already. Parang magkakaroon kami ng movie together”, ang naging pag-amin nga ng aktor.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

“From management to managemet po ang nag-uusap, na parang nag-ask po si GMA if Bea wants to make film with me.” “So parang she said yes, pero di pa po alam kung sino ang magiging prodyuser, at kung ano ang magiging istorya”, dagdag pa ng Kapuso aktor.

Matatandaan naman na noong buwan ng Oktubre ay nabanggit ni Bea Alonzo sa kanyang vlog, na gusto nitong makatambal sa isang pelikula si Alden Richards.
“Sobrang bait pati yung team niya.”




Pinuri rin nito si Alden, na “sobrang galing” nito, lalo na ng kanyang mapanood ang pelikula na pinagbidahan nito kasama si Kathryn Bernardo na “Hello, Love Goodbye.”

Magkaiba man ng TV networks, naging bukas si Alden Richards sa pagsasabi na magaan ang loob niya kay Bea Alonzo. Silang dalawa ay parehong itinuturing na prime star sa kanni-kanilang TV Network – si Alden ay sa GMA -7 at si Bea naman ay sa ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *