Kilalanin Ang Ultimate Crush Sa Showbiz Ng Social Media Sensation Na Si Ivana Alawi

Ivana Alawi, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa pangalan na ito. Isa sa mga pinaka-popular na Youtube Vlogger ngayon, at isa rin sa mga aktres sa showbiz na talaga namang ang pangalan ay tumatak na sa maraming mga manonood dahil sa kanyang taglay na ganda, kaseksihan at karisma.



Isa nga ang aktres at YouTube vlogger na si Ivana Alawi sa talaga namang hinahangaan ngayon ng maraming mga netizens. Maliban pa nga rito, ay napakarami ring mga kalalakihan ang talaga namang humanahanga sa dalaga, dahil sa angkin nitong kagandahan at kaseksihan.
Photo Credit: ivanaalawi/Instagram
Sa kabila naman ng maraming mga nag-gagwapuhang lalaki ang nagkakagusto kay Ivana, at nanligaw sa kanya, ay nanatili namang ‘single’ ang dalagang aktres hanggang ngayon.
Photo Credit: ivanaalawi/Instagram
Samantala, kung marami ang humahanga sa dalaga, ay humahanga rin naman si Ivana. At nito nga lamang nakaraan, ay kanya ng pinangalanan ang gwapong aktor sa showbiz, na talaga namang kanyang “Ultimate Crush”.
Photo Credit: ivanaalawi/Instagram
Hindi na nga napigilan pa ng sexy actress at YouTube vlogger na si Ivana Alawi na aminin na siya ay humahanga sa gwapong aktor na si Paolo Avelino.
Image Credit via Google
Kamakailan nga lamang sa ginanap na virtual presscon ng pelikulang “Sitsit”, kung saan ay si Paulo Avelino ang producer at ang bida naman na gaganap na aswang ay si “Ivana”, ay hindi naitago pa ng aktres ang kanyang paghanga sa nasabing aktor.
Image Credit via Google
Ayon nga kay Ivana, hindi niya akalain na makatrabaho niya ang kanyang ultimate crush sa showbiz, at kahit hindi man niya ito na eksena sa harap ng camera ay nahiya pa rin talaga siya ng makita ito.
Inamin nga ni Ivana, na talaga namang na-pressure siya ng makaharap ang aktor, ito ay dahil sa naging ultimate crush niya ito.



“Si Paolo tahimik, sobrang tahimik. Ano kasi nung nagka-eksena kami, na-pressure ako, kasi dati crush ko si Paolo. Nung nakita ko siya sobrang tahimik at dun lang siya sa isang pwesto. Pero very caring kasi lagi siyang nagche-check in, kamusta, may something ba, may problema ba, so na-appreciate ko naman yun.”
Image Credit via Google
Nito nga lamang ika-31 ng Oktubre ay ine-ere na ang kauna-unahang digital horror film ni Ivana na pinamagatang “Sitsit”. Nilinaw naman ni Ivana na hindi niya umano nais makuha ang titulong “Horror Princess”, at hindi niya rin talaga gusto ang titulong ito. Ang nais lamang niya umano ay ang makapagbigay kasiyahan sa mga manonood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *