Kilalanin Ang Unica Hija Ng Komedyanteng Si Ai-Ai Delas Alas

Taong 90’s ng umusbong ang karera ni Ai-Ai Delas Alas sa industriya ng showbiz. Siya ay kilala bilang isa sa mga all-time favorite comedian sa Pilipinas, dahil na rin sa mga nakakatawang pelikula na kanyang ginawa.



Mapa-comedy o drama man na pelikula ay talaga namang maasahan ang galing ni Ai-ai bilang isang artista.
Photo Credit: sophdelasalas/Instagram
Matatanda na isa sa comedy film na ginawa ni Ai-Ai na talagang pumatok sa takilya ay ang “Ang Tanging Ina MO.” Naging kabilang rin siya noon sa teleseryeng “Bituing Walang Ningning”, kung saan ay kasama niya si Pop Princess Sarah Geronimo.
Photo Credit: sophdelasalas/Instagram
Ngunit hindi na lamang natin hinahangaan si Ai-Ai sa pagiging isa niyang magaling na komedyante. Dahil maliban dito, ay isa ring kahanga-hanga at mapagmahal na ina sa kanyang mga anak ang actress-comedian, lalo na pagdating sa kanyang unica hija na panganay sa kanyang mga anak.
Photo Credit: sophdelasalas/Instagram
Ang unica hiija nga na ito ni Ai-Ai ay si Sophia, na kung saan ay tila namana ng dalaga niyang anak na ito ang kanyang dedikasyon pagdating sa kanyang career.
Photo Credit: sophdelasalas/Instagram
Ngayon nga ay tila gumawa na ng kanyang sariling pangalan si Sophia, upang makilala siya ng publiko. Nangangarap rin ang dalaga na nagkaroon siya ng sarili niyang pangalan sa local Tinseltown.
Photo Credit: sophdelasalas/Instagram
Samantala, hindi naman mapigilan ni Ai-Ai na mag-alala para sa kanyang anak, dahil ayon sa komedyante ay ayaw umano nito na mapanghimasukan ang personal at pribado nitong buhay, ngunit ito ay hindi maiiwasan lalo na kung ikaw ay makilala at magiging popular sa publiko.
Photo Credit: sophdelasalas/Instagram
“She really wants to act, but she doesn’t like her privacy being invaded.” “She still needs to learn how to compromise”, ayon nga kay Ai-Ai. Tulad nga ng kanyang ina, ay makikita sa dalagang si Sophia ang taglay nitong karisma at talent, kaya naman hindi imposible na magkaroon rin ito ng sariling pangalan sa industriya ng showbiz.



Ang ama ni Sophia, ay ang dating kinakasama at karelasyon ni Ai-Ai na kilala bilang si Miguel Vera. Si Sophia ay nag-aral ng kanyang Senior High School sa Amerika, ngunit ngayon na siya ay kolehiyo na ay mas pinili nito na mag-aral sa Pilipinas. At ngayon nga ay nag-aaral ang dalaga sa De La Salle University.
Photo Credit: sophdelasalas/Instagram
Patungkol naman sa karerang nais pasukin ni Sophia, ay sinabi nito na nais niyang maging tulad ng kanyang ina, ang pumasok sa showbiz at maging isang sikat at popular na artista. Sa katunayan, ay nagtatrabaho na si Sophia ang ina, ito ay ng mapabilang siya sa Sons of Nanay sable and Feleenial.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *