Kilalanin Ang Unica hija Ni Edu Manzano Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media

Sadyang makulay ang showbiz industry sa Pilipinas. Marami ring mga bagay ang hindi natin alam na mayroon pala ang ating mga idolo. Katulad na lamang ng kanilang mga anak sa kanilang mga naging asawa. May mga artistang piniling ibunyag sa publiko ang kanilang mga anak sa dati nilang mga asawa at may mga artistang piniling ilihim o hindi na lang sabihin sa publiko ang kanilang nakaraan upang mabigyan ng pribadong buhay ang kanilang mga anak.




Ilan sa mga ito ay sina KC Concepcion na anak ni Sharon Cuneta kay Gabby Concepcion, Luis Manzano na anak nina Edu Manzano at Vilma Santos, at marami pang iba. Pinili namang huwag nang papasukin ni Jose Manalo ang kanyang mga anak sa showbiz industry at ngayo’y namamayagpag na sa kani-kanilang napiling karera. Ngunit lingid sa ating kaalaman, maliban pala kay Luis Manzano, may dalawa pa palang anak si Edu Manzano at ang isa dito ay kanyang unica hija.

Dalawa ang anak ni Edu Manzano sa dating modelong si Rina Samson: sina Enzo at Addie. Si Addie ang kaniyang unica hija na ngayo’y nakabase na sa New York City sa Amerika. Bagama’t doon na nakatira, dito pa rin lumaki at nagtapos ng kanyang pag-aaral si Addie. Matapos makapagtapos ng kolehiyo mula sa Ateneo De Manila University, lumipat na ng New York si Addie at doon na nga naninirahan. Ngunit bago pa ito nangyari ay lumabas na rin sa telebisyon si Addie bilang host ng University Athletic Association of the Philippines noong 2014 at naging endorser pa ng isang produkto.

Maliban doon, napansin rin si Addie dahil sa kanyang pambihirang ganda at karisma na maaaring namana niya sa kanyang mga magulang na kapwa mga artista at modelo. Sa kabila ng kanyang kagandahan tinataglay, strikto pa rin si Edu pagdating sa pagpasok nina Enzo at Addie sa showbiz. Sa kasalukuyan, may non-showbiz boyfriend rin si Addie na si John Miclat. Kung sakaling mag-artista si Addie, hindi naman nakapagtataka kung balang araw ay sumikat ito katulad ng kanyang ama.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *