Kilalanin Ang Vlogger Na Si Erin Ang Panganay At Napakagandang Anak Ni Ogie Diaz

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na ang 50-taong gulang na si Ogie Diaz na kilala bilang isang komedyante, reporter at manager ng ilan sa mga sikat na artista sa showbiz ay isang ‘gay personality’. Ngunit sa kabila ng ng kanyang pagiging isang ‘gay’, ay hindi naman ito naging hadlang para siya ay magkaroon ng asawa at mga anak.




Napangasawa ni Ogie Diaz si Geogette de Rosaria at ang kanila ngang masayang pagsasamang mag-asawa ay halos nasa 20-taon na, kung saan ay nabiyayaan na rin sila ng limang mga anak. Maliban nga sa pagiging isang kilalang personalidad ni Ogie sa mundo ng showbiz, pagdating naman sa kanyang pamilya ay isa siyang responsible at mapagmahal na haligi ng kanilang tahanan.

Image Credit via Instagram

Ang panganay ngang anak ni Ogie Diaz ay si Erin, na ngayon ay nakikilala na rin ng publiko matapos nitong gumawa ng sarili niyang pangalan sa social media bilang isang vlogger. Talaga namang marami ang humahanga sa panganay na anak ni Ogie bilang isang vlogger, dahil tila namana nga nito ang kanyang husay bilang isang komedyante. Maliban pa sa angking husay ni Erin sa pagba-vlog ay naging agaw-pansin rin sa marami ang taglay na kagandahan ng dalaga.

Image Credit via Instagram

Ikinatutuwa ng maraming mga tagasubaybay ni Erin ang kanyang pagiging masayahin at natural sa harap ng kamera sa mga vlog nito na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Samantala, minsan ngang ipinamalas ni Erin ang kanyang pagiging mahusay na vlogger, at ito nga ay ng ma-iprank niya ang kanyang ama na si Ogie kung saan ay ikinatuwa at kinagiliwan ng maraming mga netizens ang naging reaksyon niya sa ginawang prank ng anak at ito nga ay naging viral pa.

Image Credit via Instagram

Bilang isang anak naman, para sa mag-asawang Ogie at Goergette ay isang responsible at mapagmahal na anak sa kanilang pamilya si Erin, at ito nga ay kanilang ibinahaging mag-asawa ng minsang makapanayam sila sa programang “Magandang Buhay.”

Image Credit via Instagram

Pagbabahagi pa ni Ogie, ang panganay na anak ang inaasahan nila kapag silang mag-asawa ay nasa trabaho, lalo na sa pag-aalaga at pag-aasikaso ng kanyang mga kapatid.
Ipinagmamalaki naman ni Ogie ang katangian ng kanyang anak na si Erin, dahil sa maliban sa pagiging responsible at mapagmahal nito ay nagtataglay rin ito ng mabuting puso.

Image Credit via Instagram




Para naman kay Ogie, ang tanging kahilingan lamang niya para sa panganay na anak ay ang matupad nito ang lahat ng mga pangarap ng kanyang anak at ang maging matagumpay ito sa kung ano man ang nais tahakin nito sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *