Kilalanin at Bumilib sa Dalaga na Nagtapos ng College sa Edad Na 11 Taong Gulang

Isang 18-taong gulang na dalaga na Filipino-American na nakatira sa California, USA ang umani ng papuri at paghanga sa madla, ito nga ay dahil sa kanyang angking katalinuhan na talaga namang nakakabilib. Ang dalaga ngang ito ay kinilalang si Joys David.




Si Joy ay hinangaan ng marami dahil sa edad niyang 11-taong gulang ay nasa kolehiyo na nga siya, at mas lalo pa siyang kinabiliban ng sa edad niyang 16 -taong gulang ay nakagraduate na siya ng kolehiyo at double degree holder pa nga. Ayon sa ulat nakapagtapos ng Bachelor in Arts and Creative Writing at Bachelor of Arts in Biology sa College ang dalaga.

Image Credit via Google

Ayon nga kay Joy, hindi siya dumaan sa middle school or high school, dahil matapos niyang dumaan sa elementary ay kolehiyo na nga ang sumunod niyang pinasukan.
“I actually didn’t go to middle school or high school. I just went from elementary to college”, ani Joy.

Image Credit via Google

Ang nakaka-inspire nga na kuwentong ito ng dalaga ay naitampok sa segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgemental” noon ngang ika-2 ng buwan Hunyo noong nakaraang taong 2021. Sa nasabing segment ay naitampok nga ang mga Filipino beauties na mayroong double degree holder, kaya naman napabilang dito si Joy.

Image Credit via Google

Tunay ngang nakabibilib ang angking katalinuhan ni Joy, kaya naman ng marinig ng mga host ng nasabing programa na sina Paolo Ballesteros, Maine Mendoza at ang manlalaro nga ng araw na ‘yon na si Cassy Legaspi ang kuwento niya ay labis nga ang paghanga ng mga ito sa kanya at bumilib sa kanyang talino.

Image Credit via Google

Kuwento ni Joy, nagsimula siyang mag-ara ng college noong siya ay 11-taong gulang pa lamang. Siya umano ay nagtapos nga kanyang dalawang college degree noong taong 2020, dahil magaksabay nga niyang kinuha ang mga ito.
“I started college at 11. I was able to finish. I just graduated last year, 2020”, pahayag nga ni Joy.

Image Credit via Google

Dagdag pa niya, “I actually took them both at the same time, so I just finished at the same time.” Pagbabahagi pa niya, matapos nga niyang mag-elementary ay agad siyang na-accelerate na tumuntong sa kolehiyo at hindi na dumaan pa sa high school, ito ay matapos nga niyang maipasa ang eksam na naging daan upang makakuha siya ng high school diploma sa edad niyang 11.

“Hindi normal na magkolehiyo ang estudyante sa edad na 11 s Amerika. Generally, you graduated you graduated high school by 18 and college by 21. Yes, I accelerated…. I went from….. I actually didn’t go to middle school or high school. I just went from elementary to college”, aniya pa.




Pahayag pa ni Joy, ang kanyang mga magulang ang nag-encourage sa kanya na magawa ito, at tunay namang proud na proud ang mga ito sa kanyang nakamit na tagumpay.

Mas naipaliwanag naman ni Joy sa madla kung paano siya nakapasok ng kolehiyo mula sa elementary at nakamit ang kanyang double degree holder ng siya ay magkaroon ng exclusive interview matapos nga ang araw ng naging pagsali niya sa Bawal Judgemental. Sa panayam rin na ito naibahagi ni Joy na bata pa lamang siya ay talagang goal driven na siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.