Kilalanin Natin Ang Mga Celebrity Na May Mga Kapamilyang May “Special Needs”

Ang salita na “special needs” ay ginagamit para sa mga taong may kakaibang kondisyon sa kalusugan mapa pisikal man ito o mental. Ilan sa mga kondisyon na ginagamitan ng salitang ito ay ang mga tao na delayed ang developments, taong may medical, congenital, at psychiatric condition.




Ang mga taong may mga karamdaman na katulad sa mga binanggit ay nangangailangan ng mas maraming atensyon at oras na mailalaan para sa kanila upang mas lalo silang maintindihan, at mas malaman pa ang mga bagay na kanilang pangangailangan.

Marami sa ating mga kababayan ang may mga kapamilya na may mga ganitong kondisyon.
Ang mga taong may espesyal na kondisyon ay hindi dapat pandirihan o iwasan, dahil ang kailangan nila ay mas maraming pagmamahal at pang unawa na dapat unang magmula sa kani-kanilang pamilya.

Ilan sa ating mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz ay hindi itinago na sila ay may mga kapamilya na may “special needs”. Narito ang ilan sa kanila;

1. KRIS AQUINO

Image Credit via Google

Ang anak ni Kris na si Josh ay may kondisyon na ‘autism’. Noong una ay aminado ang aktres na nahihirapan siyang tanggapin ang kondisyon ng anak, ngunit ayon sa kanya upang mas maintindihan niya ang kondisyon nito at malaman niya ang mga pangangailangan nito ay ang una unang dapat niyang gawin ay tanggapin ang kondisyon na meron ito.

2.CANDY PANGILINAN

Image Credit via Google

Hindi naman itinago ni Candy Pangilinan na ang kanyang anak ay may special needs. Sa katunayan ay gumawa pa siya ng isang libro na kung saan ay may pamagat na “Mommy Dear: Our Special Love”. Nilalaman ng librong ito ang naging karanasan niya sa pagpapalaki kay Quentin, ang anak niya na may kondisyon na ‘autism’.

3.VICKIE RUSHTON

Image Credit via Google

Taong 2017 ng ibahagi ni Vicky sa kanyang Facebook ang larawan ng kanyang kapatid na si Kian, makikita sa larawan na ito ay isang batang may ‘special needs’. Ayon kay Vicky ay hindi sila masyadong nag kasama ng kanyang kapatid ngunit hindi rin naman daw ito dahilan upang hindi sila makapag bonding.

4.ANDREA TORRES

Image Credit via Google

Hindi naman ikinahihiya ni Andrea Torres ang kondisyon ng kanyang kapatid. Ayon sa aktres ay sobra sobra ang pagmamahal niya dito at pinoprotektahan niya ito sa mga taong mapangutya at hindi maintindihan ang kondisyon nito.

5.KAREN DAVILA

Image Credit via Google

Ayon naman kay Karen Davila ay ang kanyang anak ang siya pang nagturo sa kanya kung paano magmahal.

“Sometimes when the intervention is not full, they cannot show your love back. There were very painful times when David was around five, he was not hugging me, not saying I love you, he could not look me in the eye. And nothing is more painful to a mother.” Saad ni Avila.

6. SOFIA ANDRES

Image Credit via Google

Ang kapatid naman ni Sofia na si Andres ay may kondisyon na down syndrome. Ayon sa aktres ay hindi niya itinatago na mayroon siyang kapatid na may special na kondisyon, sa katunayan pa nga ay nagkaroon ng pagkakataon ang kapatid niyang si Andres na makasama sa pelikulang “The Story of Us”.

7. ARA MINA

Image Credit via Google

Isa naman sa mga kapatid ni Ara Mina ang may kondisyon na down syndrome. Ito ay ang kanyang kapatid na si Mina Princess Klenk, na ayon kay Ara na sa kabila ng kondisyong ito ng kanyang kapatid ay ito ang kanyang Lucky Charm. Hindi rin nila kailanman itinuturing na pabigat ito sa kanilang pamilya, sa katunayan ay si Mina ang pinagkukunan nila ng pagmamahal.




Hindi nga naman dapat ikahiya kung ang isa sa iyong pamilya ay may kondisyon na tinatawag na ‘special needs’, dahil sila ay maaari mong maging inspirasyon para mas lalo pang pagbutihin ang iyong buhay. At ang kanilang kondisyon ay mas maintindihan kung kayo mismo sa pamilya ang una-unang makakatanggap ng kondisyon na meron sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *